Description
Alamin ang mga Pangunahing Kaalaman
Sa kasamaang-palad ang marami sa mga Muslim ay hindi nagsasagawa ng pagdarasal o hindi nila nakukumpleto ang mga kundisyon ng pagdarasal sa kabila ng kahalagahan nito. Ang layunin ng pagdarasal ay ang pagtibayin ang relasyon sa pagitan mo at ng Diyos; upang magpasalamat sa Kanyang mga biyaya; at paalalahanan ang iyong sarili tungkol sa Kanyang kadakilaan. Tulad ng kung paanong ang katawan ay mayroong mga pisikal na pangangailangan tulad ng pagkain at tubig, ang kaluluwa ay mayroon ding mga pangangaialangan na pinagyayaman ng mga gawaing pagsamba na ang pinakamahalaga rito ay ang pagdarasal. Maaaring ang katawan ng tao ay malusog ngunit ang kanyang kaluluwa ay patay.
Sinabi ng Propeta - sumakanya nawa ang kapayapaan, ‘Ang paghahambing sa pagitan ng umaalala kay Allah at hindi umaalala ay katulad ng paghahambing sa buhay at patay.’
Sinabi ni Allah
O mga nanampalataya, tumugon kay Allah at sa Kanyang Sugo kung aanyayahan nila kayo tungo sa isang bagay na magbibigay sa inyo ng buhay. Quran 8:24
Ang Kahalagahan nito
Direktang pakikipag-usap kay Allah
‘Ang tao ay pinakamalapit sa kanyang Panginoon kapag siya ay nasa pagpapatirapa.’
Ang pagdarasal ay nagpapalapit sa iyo kay Allah. Ang salitang Arabic para sa pagdarasal o Salah ay nagmumula sa salitang ugat na ang kahulugan nito ay ‘koneksiyon.’ Ang Sugo ni Allah - sumakanya nawa ang kapayapaan ay nagsabi, ‘Kapag ang sinuman sa inyo ay tumayo sa pagdarasal, siya ay nakikipag-usap sa kanyang Panginoon kaya marapat siyang magbigay-pansin kung paano siya makikipag-usap sa Kanya.’ Kaya, huwag mong putulin ang ugnayan mo sa iyong Tagapaglikha.
Isang haligi ng Islam
Ang pagdarasal ang pangalawa sa pinakamahahalagang haligi ng Islam, at ang siyang pinakamadalas na gawin sa mga obligadong gawain sa buhay ng Muslim. Ang pagdarasal ay isang gawain na marapat na gawin araw-araw, anuman ang sitwasyon. Sa katotohanan, si Allah ay hindi nagpahintulot na iwan ang mga Muslim ang pagdarasal kahit sa digmaan.
Pangalagaan ninyo ang mga obligadong pagdarasal … kung natatakot kayo ay magtaguyod kayo ng obligadong pagdarasal sa pamamagitan ng Salatul Khawf nang naglalakad o nakasakay. Quran 2:238-239
Ganito kapag may digmaan kaya paano pa kaya sa panahon ng kapayapaan?
Ang Tagumpay ay Nakasalalay sa Pagdarasal
SInabi ni Propeta Muhammad - sumakanya nawa ang kapayapaan, ‘Ang unang gawain ng tao na tutuusin sa Araw ng Paghuhukom ay ang kanyang Pagdarasal. Kung ito ay kumpleto, siya ay magiging ligtas at matagumpay at kung ito ay kulang, siya ay lugi at talunan.
Ang mga Pakinabang nito
Panangga laban sa kasamaan
Imposible ang mailigtas sa kasamaan nang hindi nanghihingi ng tulong ni Allah.
Sinabi ni Allah,
Tunay na ang obligadong pagdarasal ay nagbabawal sa kalaswaan at kasalanan. Quran 29:45
Paano pa ba magagawa ng tao na magkasala kung siya ay tumatayo sa harap ni Allah 5 beses araw-araw.
Nagpapalusog sa Iyong Kaluluwa
Ang Pagdarasal ay tumutugon sa iyong pangangailangan sa pakikipag-ugnayan sa iyong Tagapaglikha. Ito ay nagbibigay sa iyong kaluluwa ng kapanatagan at pagkakuntento lalo na sa iyong buhay na abala.
Sinabi ni Allah,
Tunay na sa pag-aalala kay Allah ay napapanatag ang mga puso. Quran 13:28
Ito ay Nagdudulot sa Iyo na Ikaw ay Magpakumbaba
Ang pagmamalaki at kayabangan ay nawawala sa pagkakatanto sa kadakilaan ni Allah at sa iyong pananalig sa Kanya. Sa pagdarasal, ang Muslim ay naglalagay ng pinakamataas na bahagi ng kanyang katawan at pinagmumulan ng kanyang talino, ang kanyang ulo, sa lupa, habang siya ay nagsasabi, ‘Luwalhati sa aking Panginoon, ang Kataas-taasan.’
Sinabi Niya,
Nagtagumpay ang mga nanampalataya. Silang sa kanilang mga obligadong pagdarasal ay taimtim. Quran 3: 1-2.
Siyempre, ito ay makakamit lamang kung nauunawaan mo na ang sinasambit dito at ikaw ay taimtim na may pagpapakumbaba rito.
Nag-aalis sa mga Kasalanan
Ang lahat ay nagkakasala, ngunit si Allah ay nagbibigay ng paraan upang mapatawad ang mga kasalanang ito sa pamamagitan ng pagdarsal.
Sinabi ni Allah,
Itaguyod ang obligadong pagdarasal …tunay na ang mabubuting gawain ay bumubura sa mga kasalanan.
Ang Sugo ay nagbigay ng magandang halimbawa nang sinabi niya sa kanyang mga kasama, ‘Sinabi ni Propeta Muhammad – sallallahu alayhi wa sallam, ‘Nakita ba ninyo kung sa tapat ng pinto ng bahay ng sinumang sa inyo ay may ilog at siya ay naliligo rito ng limang ulit, may matitira pa ba sa kanyang dumi?’
Sinabi ng mga Sahabah, ‘Wala nang mananatili sa kanyang anumang dumi.’
Sinabi ni Propeta Muhammad – sallallahu alayhi wa sallam, ‘Ganito rin ang limang obligadong Salah at binubura ni Allah sa pamamagitan ng mga ito.’
Nagbibigay ng Solsusyon sa Iyong mga Suliranin
Kapag pinatatag mo ang iyong ugnayan kay Allah, si Allah ay magpapatatag ng iyong ugnayan sa iba pang mga nilikha. Sa pamamagitan ng pagdarasal, Siya, ang Pinakamakapangyarihan ay magbibigay ng solusyon sa iyong mga problema.
Sinabi ni Allah,
O mga nanampalataya, humingi kayo ng tulong sa pamamagitan ng tiyaga at obligadong pagdarasal. Tunay na si Allah ay kapiling ng mga matiisin. Quran 2:153
Pinagkakaisa ang mga Muslim
Ang mga Salah na tinutupad kasama ang grupo ng mga Muslim ay nagdudulot ng kapatiran, pagkakapantay-pantay, at kababaang-loob sa pagitan ng mga Muslim. Ang mananampalataya na sumasamba ay nakatayo sa mga hanay na tulad ng isang katawan, ang mga balikat ay magkakadikit nang walang pagtatangi-tangi sa kanilang lahi, nasyonalidad, kulay, yaman, angkan o estado sa buhay. Ang gawaing ito na nagbubuklod ay tumutulong na alisin ang lahat ng sagabal na nagwawatak-watak sa mga tao.
Pagtalikod sa Pagdarasal
O tao, ano ang nanlinlang sa iyo mula sa iyong Panginoon na Mapagbigay? Quran 8:6
Ikaw ay sumusuway sa iyong Tagapaglikha
Ang buong layunin ng iyong pag-iral ay ang pagsamba kay Allah, ngunit araw-araw ay sumusuway ka sa iyong Tagapaglikha.
Dumating pagkatapos nila ang mga sumunod na nasyon na tumalikod sa obligadong pagdarasal at sumunod sa mga pagnanasa. Sila ay makatatagpo ng kasamaan. Liban na lamang doon sa mga nagbalik-loob, nanampalataya at gumawa ng kabutihan. Quran 19:59-60
‘Ano ang naglagay sa inyo sa Saqar?’ Tutugon sila, ‘Hindi kami kabilang sa mga nagtaguyod ng obligadong pagdarasal.Quran 74:42-43
Ikaw ay hindi Mapagpasalamat
Ang pagtanggi sa paanyaya ng iyong Tagapaglikha na itaguyod ang pakikipag-ugnayan sa Kanya ay ang pinakamasahol sa kawalan ng pasasalamat.
Si Allah ang lumikha sa iyo at sa lahat ng bagay.
Sabihin, ‘Siya ang lumikha sa inyo at nagbigay sa inyo ng pandinig, paningin at mga puso. Kaunti ang inyong pasasalamat.’ Quran 67:23
Ang paa ni Propeta Muhammad ay namamaga dahil siya ay tumatayo para sa pagdarasal nang mahabang panahon. Nang siya ay tinanong, ang kanyang tugon ay, ‘Hindi ba ako magiging alipin na mapagpasalamat?’
Ikaw ay Nagpapakatamad
Ano ang iyong palusot na ibibigay sa iyong Tagapaglikha, ang Tagapaglikha ng kalangitan at lupa, sa Araw ng Paghuhukom? Ang Siyang nagbibiyaya sa iyo 24 oras araw-araw ngunit ang hinihiling lamang Niya sa iyo ay pagdarasal sa araw at gabi.
Sinabi ni Propeta Muhammad, ‘Ang anak ni Allah ay hindi pahahayuin sa harap ng kanyang Panginoon sa Araw ng Paghuhukom hanggang sa siya ay tanungin tungkol sa limang bagay: ang kanyang buhay kung paano niya ito ginugol, ang kanyang kabataan kung paano niya ito ginamit, ang kanyang yaman kung paano niya ito nakamit at paano niya ito ginastos at paano niya isinabuhay ang kanyang kaalaman.’
Ikaw ay magiging miserable
Sinabi ni Allah,
Sinumang tumalikod sa pag-aalaala sa Akin ay tunay na siya ay magkakaroon ng miserableng buhay. Bubuhayin Namin siyang muli sa Araw ng Paghuhukom na bulag.’ At sasabihin niya, ‘Panginoon ko, bakit Mo ako binuhay muli na bulag samantalang ako noon ay nakakakita?’ Sasabihin ni Allah. ‘Ito ay dahil sa dumating sa iyo ang Aming mga tanda at nakalimutan mo ang mga ito. Gayundin sa Araw na ito ay makakalimutan ka.’ Quran 20:124-126
Sarili mo lamang ang iyong pinipinsala
Si Allah ay walang pangangailangan sa iyong pagdarasal o anuman mula sa sinuman. Luwalhati sa Kanya, ikaw ang may pangangailangan sa Kanyang habag.
Magpasalamat kay Allah, tunay na ang nagpapasalamat ay nagpapasalamat para sa kanyang sarili at sinumang hindi mapagpasalamat ay tunay na si Allah ay walang anumang pangangailangan. Siya ay karapat-dapat sa lahat ng papuri. Quran 31:12
Ikaw ay Malapit sa Kawalang pananampalataya
Ang mga pantas ng Islam ay may pananaw na kung ikaw ay hindi nagdarasal ay hindi ka maituturing na mananampalataya ayon sa hadith,
Ang pagitan natin at ng mga hindi mananampalataya ay ang pagdarasal, kaya sinumang nagpapabaya dito ay hindi mananampalataya.
Karagdagan pa rito, ang mga kasama ng Propeta - kalugdan nawa sila ni Allah ay nagtuturing na ang pagtalikod sa anumang gawain ay hindi maituturing na kawalang pananampalataya liban na lamang sa pagdarasal.
Karaniwang palusot
Walang oras (dahil sa trabaho, pag-aaral, pagiging abala at iba pa) Ang lahat ng ito ay malinaw na panlilinlang dahil tunay na ikaw ay hindi talaga nagpapahalaga sa pagdarasal. Si Allah ay magdudulot na maging mabiyaya ang iyong oras na ito ay magiging kapaki-pakinabang dahil sa Salah.
Ang aking puso ay malinis: Si Allah ang tunay na naghahatol kung kaninong puso ang dalisay at nais Niya na ikaw ay magdasal. Ang iyong mga gawain ay sumasalamin lamang sa nilalaman ng iyong puso. Walang sinuman ang may mas dalisay na puso kay Propeta Muhammad ngunit siya ay regular na nagsasagawa ng kanyang pagdarasal.
Walang alarm: Hindi nga tutunog ang iyong alarm kung hindi mo ito itinakda. Dalisayin ang iyong intensiyon at matulog ayon sa Sunnah.
Pinipigilan ako ng aking pamilya, asawa, magulang, at mga kaibigan na magdasal sa tamang oras. Sinabi ni Propeta Muhammad, ‘Walang pagsunod sa sinuman sa pagsuway kay Allah.’ Tunay na ikaw ay hahatulang mag-isa.
Masyado akong maraming kasalanan: Sa paglipas ng panahon, ang iyong pagdarasal ay pipigil sa iyo na makagawa ng mga kasalanan, magdasal ka lang. Ikaw ay nagkakasala dahil hindi ka nagdarasal.
Pagmuni-munihan mo ang hadith na ito, ‘Kung nalalaman lamang nila ang kainaman ng Salatul Isha at Salatul Fajr ay tutungo sila rito (patungo sa mga masjid) kahit pa sila ay gumapang.
Ano pa kaya ang magagawa mong palusot sa hindi mo pagtataguyod ng pagdarasal kapag nakaharap mo ang iyong Panginoon sa Araw ng Paghuhukom?
