Ang Siyensiya sa Islam العلم في الإسلام

6.41 MB 76 1 Files
albyan
or download free
[free_download_btn]

Description

Ang Siyensiya sa Islam

Ipapakita Namin sa kanila ang aming mga tanda sa abot-tanaw at sa kanilang mga sarili hanggang sa maging malinaw para sa kanila na tunay na ito ang katotohanan. Quran 41:53

Ang Quran ang Aklat ng Islam ay ang huling kapahayagan mula sa Diyos para sa sangkatauhan at huli sa serye ng mga rebelasyon na ipinahayag sa mga propeta.

Bagaman ang Quran na ipinahayag noong 1400 taon na ang nakalipas ay hindi isang aklat ng siyensiya, ito ay naglalaman ng mga katotohanang siyentipiko na natuklasan kamakailan lamang sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at siyentipikong kaalaman. Ang Islam ay naghihimok sa pagmumuni-muni at pananaliksik na siyentipiko dahil ang pag-unawa sa kalikasan ng paglikha ay nagdudulot na ang tao ay higit na kumilala sa kanyang Tagapaglikha at makilala ang kapangyarihan at kaalaman nito.

Ang Quran ay ipinahayag sa panahon na ang siyensiya ay primitibo pa; wala pa noong mga teleskopyo, microscope o anumang malapit sa makabagong teknolohiya ngayon. Ang mga tao ay naniniwala na ang araw ay umiikot sa mundo at ang langit ay naiangat sa pamamagitan ng mga haligi na nasa mga sulok ng isang patak na mundo. Sa gitna ng ganitong mga paniniwala ay ipinahayag ang Quran na naglalaman ng mga katotohanang siyentipiko tungkol sa astronomiya, biology, geology at zoology.

Ang ilan sa mga katotohanang siyentipiko na nababanggit sa Quran ay ang mga sumusunod:

1. Ang pinagmulan ng buhay

Nilikha Namin mula sa tubig ang lahat ng bagay na may buhay. Hindi ba sila mananampalataya? Quran 21:30

Ang tubig ay tinutukoy bilang pinagmulan ng lahat ng buhay. Ang lahat ng bagay na may buhay ay binubuo ng mga selyula na binubuo ng tubig.

Ito ay isang katotohanan na natuklasan lamang matapos ang imbensiyon ng microscope. Sa mga disyerto ng Arabia ay hindi mangyayari na ang isang tao ay makakapag-isip na ang lahat ng bagay na may buhay ay mula sa tubig.

2. Pagkakabuo ng tao sa sinapupunan

Ang Diyos ay nagsasalita tungkol sa mga yugto ng pagkakabuo ng sanggol sa sinapupunan:

Nilikha Namin ang tao mula sa hinangong putik. Pagkatapos ay ginawa Namin itong pinaghalong punlay sa ligtas na lugar. Ang pinaghalong punlay ay ginawa Naming namuong dugo na nakabitin at ang namuong dugo ay ginawa Naming namuong laman at ito ay ginawa Naming buto at binalutan Namin ang buto ng laman at ginawa Namin itong ibang nilikha. Quran 23:12-14

Ang salitang Arabic na ‘alaqah’ ay may tatlong kahulugan: linta, isang nakabitin na bagay o namuong dugo. Ang ‘mudghah’ ay nangangahulugang isang bagay na nginuya. Ang mga siyentista na nag-aaral ng embryology ay nakatuklas na ang pagkakagamit sa mga katagang ito sa paglalarawan sa mga yugto ng pagkakabuo ng sanggol sa sinapupunan ay umaayon sa makabagong pang-unawang siyentipiko.

Kaunti lamang ang nalalaman ng tao tungkol sa pagkakabuo ng embryo bago pa ang ika-20 siglo, na nangangahulugan na ang paglalarawan sa embryo ng tao sa Quran ay hindi maaaring ayon sa kaaalamang siyentipiko noong ika-7 siglo.

3.Ang paglawak ng sansinukob

Sa panahon na ang astonomiya ay sinauna pa ay ipinahayag ang talatang ito sa Quran:

Ang langit ay itinayo Namin nang may lakas at tunay na Kami ay nagpapalawak. Quran 51:47

Ang isa sa mga tukoy na kahulugan ng talatang ito ay pinapalawak ng Diyos ang sansinukob. Ang iba pang kahulugan nito ay nagtutustos ang Diyos dito na Siyang may kapangyarihan dito.

Ang katotohanan na ang sansinukob ay lumalawak na ang mga planeta ay nagiging mas malayo sa isat isa ay natuklasan nitong nakalipas na siglo lamang. Ang Physicist na si Stephen Hawking ay nagsulat sa kanyang aklat na pinamagatang, ‘A Brief History of Time.’

‘Ang pagkakatuklas na ang sansinukob ay lumalawak ay isa sa pinakadakilang intelektuwal na pagkakatuklas sa ika-20 siglo.’

Ang Quran ay nagpapabatid tungkol sa paglawak na ito kahit noon pang hindi pa naiimbento ang teleskopyo.

4.Ang bakal ay ipinababa

Ang iron na siyang pangunahing sangkap ng bakal ay hindi natural na nabuo sa Earth. Ang mga siyentipiko ay nakatagpo na noong ilang bilyong taon na ang nakalipas, ang mundo ay tinamaan ng mga meteorite na naglalaman ng iron mula sa malalayong mga bituin na sumabog.

At ibinaba Namin ang bakal nang may lakas na matindi at pakinabang sa mga tao. Quran 57:25

Ang Diyos ay gumamit sa katagang ‘ibinaba’ sa katotohanan na ang iron ay ibinaba sa lupa mula sa kalawakan, na isang bagay na hindi maaaring malaman sa sinaunang siyensiya ng ika-7 siglo.

3 Ang proteksiyon ng langit

Ang langit ay may mahalagang papel sa pagprotekta sa mundo at sa mga naninirahan dito mula sa mapanganib na sinag ng araw gayundin sa lamig ng kalawakan.

Nais ng Diyos na pagmuni-munihan natin ang talatang ito:

Ginawa Namin ang langit bilang bubong na pananggalang. Ngunit sila sa mga tanda nito ay tumatalikod. Quran 21:32

Ang Quran ay tumutukoy sa proteksiyon ng langit bilang tanda ng Diyos, ang mga katangiang ito ay pawang natuklasan ng mga siyentipiko sa kanilang pananaliksik noong ika-20 siglo lamang.

4 Ang kabundukan

Ang Diyos ay nagnanais na ibaling ang ating atensiyon sa mahalagang katangian ng kabundukan

Hindi ba Namin ginawa ang lupa na patag. At ang kabundukan na parang mga pako. Quran 78:6-7

Ang Quran ay tumpak sa paglalarawan sa malalim na ugat ng kabundukan sa pamamagitan ng salitang pako. Ang Mount Everest bilang halimbawa ay 9km ang taas mula sa lupa ngunit ang ugat nito ay mas malalim pa sa 125km.

Kabundukan

Erosion

Contintenal Crust

Deposition

Sea Level

Mantle

Mountain Root

Ang katotohanan na ang kabundukan ay mga pako na tila ugat ay hindi nalalaman liban na lamang pagkatapos na mabuo ang teorya ng plate tectonics sa simula ng ika-20 siglo. Sinabi rin ng Diyos sa Quran 16:15 na ang bundok ay may papel ng pagpapatatag sa mundo, ‘upang hindi ito yumanig’ na kamakailan lamang naunawaan ng mga siyentipiko.

5 Ang Iniikutan ng Araw

Noong 1512, ang astronomer na si Nicolas Copernicus ay naghain ng kanyang teorya na ang araw ay hindi gumagalaw at nasa gitna ng solar system habang ang mga planeta ay umiikot sa paligid nito. Ang paniniwala na ito ay naging popular sa mga astronomer hanggang sa ika-20 siglo ngunit ang naitaguyod na katotohanan ngayon ay umiikot din ang araw sa isang orbit paikot sa gitna ng Milky Way Galaxy.

Sinabi sa Quran:

Siya ang lumikha sa gabi at araw, at sa araw at buwan. Lahat ng yaon ay gumagalaw sa iniikutan nito. Quran 21:33

8: Mga alon sa ilalim ng dagat

Inaakala ng mga tao na ang alon ay nangyayari lamang sa ibabaw ng dagat, ngunit ang mga oceanographer ay nakatuklas na mayroon ding mga alon sa ilalim ng dagat na hindi nakikita ng tao at maaari lamang madetect gamit ang specialized equipment.

Sinabi sa Quran

tulad ng dilim sa dagat na malalim na tinatabunan ng alon na tinabunan ng isa pang alon at sa ibabaw nito ay ulap. Kadiliman sa ibabaw ng kadiliman. Quran 24:40

Kamangha-mangha ang paglalarawan na ito dahil 1400 taon na ang nakalilipas ay walang kagamitan na makatutuklas ng mga along nasa ilalim ng dagat.

9. Pagsisinungaling at pagkilos.

May isang malupit na pinuno noong panahon ni Propeta Muhammad at ang Diyos ay nagpahayag ng talata bilang babala sa kanya:

Hindi. Kung hindi siya titigil ay hihilahin siya sa kanyang noo. Noo na sinungaling at makasalanan. Quran 96:15-16

Ang Diyos ay hindi tumawag sa taong ito na sinungaling bagkus ay tinawag ang kanyang noo, ang harapan na bahagi ng utak bilang sinungaling at makasalanan, at ang Diyos ay nagbababala sa kanya na tumigil. Maraming mga pag-aaral ang nakatuklas na ang harapang bahagi ng ating mga utak o frontal lobe ang siyang may kinalaman sa pagsisinungaling at mga sinasadyang pagkilos na siyang dahilan ng pagkakasala. Ang mga gawaing ito ay natuklasan sa pamamagitan ng medical imaging equipment na nagawa lamang sa ika-20 siglo.

10. 2 Dagat na hindi naghahalo.

Tungkol sa dagat ay sinabi ng Tagapaglikha

Nagpalaya sa dalawang dagat na nagtatagpo. Sa pagitan nila ay harang na hindi nila nalalampasan. Quran 55:19-20

Ang isang pisikal na puwersa na tinatawag na surface tension ang pumipigil sa mga tubig ng magkadikit na dagat na magkahalo. Ito ay dahil sa magkaibang density ng dalawang tubig na ito na tila may manipis na pader sa pagitan nila. Ito ay natuklasan kamakailan lamang ng mga oceanographer.

Atlantic Ocean

Mediterranean Sea

Atlantic Ocean Water Salinity lower than 36%

10

11.5

Salinity higher than 36.5%

Gibraltar Sill

Mediterranean Sea Water

Depth (metres)

0 200 400 600 800 1000 1200 1400

Si Muhammad ba ang may-akda ng Quran?

Si Propeta Muhammad ay nakikilala sa kasaysayan na hindi marunong bumasa at sumulat at hindi rin edukado sa anumang larangan na magiging dahilan ng pagiging tumpak ng Quran sa mga kapahayagang siyentipiko nito.

Ang ilan ay nag-aangkin na kinopya lamang nito ito mula sa maaalam o sa mga siyentipiko sa kanyang panahon. Kung ito ay kinopya lamang niya ay makikita natin ang mga maling pag-unawa sa siyensiya noong panahon niya. Bagkus ang Quran ay hindi naglalaman ng anumang pagkakamali – siyentipiko man at iba pa.

May mga tao rin na nag-aangkin na ang Quran diumano ay binabago habang natutuklasan ang mga bagong kaalamang siyentipiko. Hindi ito mangyayari dahil napagtibay sa kasaysayan na ang Quran ay napanatili sa orihinal na wika nito, na isa ring himala nito.

Nagkataon lamang.

Habang ang polyetong ito ay nagbigay-pansin sa mga himalang pansiyentipiko ay marami pang ibang mga himala na nababanggit sa Quran: mga himalang pangkasaysayan, mga propesiya na nagkatotoo, mahusay na istilo ng literatura na hindi mapantayan at iba pang mga himala nito tulad ng epekto nito sa mga tao. Ang mga himala na ito ay hindi maaaring nagkataon lamang. Ang mga ito ay malinaw na tanda na ang Quran ay mula sa Diyos, ang Tagapaglikha ng mga batas ng siyensiya. Siya ang nag-iisang Diyos na nagpadala sa mga propeta dala ang iisang mensahe – ang sambahin ang Diyos nang nag-iisa at walang katambal at sundin ang Kanyang Sugo.

Ipapakita Namin sa kanila ang aming mga tanda sa abot-tanaw at sa kanilang mga sarili hanggang sa maging malinaw para sa kanila na tunay na ang Quran ito ang katotohanan. Quran 41:53

Ang Quran ay isang aklat ng gabay na nagpapakita lamang na ang Diyos ay hindi lumikha sa mga tao upang mamuhay nang walang kapararakan. Bagkus ito ay nagtuturo sa atin na tayo ay may makabuluhang buhay at may dakilang layunin dito – upang kilalanin ang ganap na pagiging perpekto at dakila ng Diyos, at upang sumunod sa Kanya.

Nakasalalay sa bawat isa kung paano niya gagamitin ang ibinigay ng Diyos na talino at pangangatwiran sa kanya, upang magmuni-muni at kumilala sa mga tanda ng Diyos – na ang Quran ang pinakadakilang tanda na ito. Magbasa at tuklasin ang kagandahan at katotohanan ng Quran upang ikaw nawa ay magkamit ng tagumpay.

Similar Downloads

No related download found!