Bakit Islam? لماذا الإسلام

3.11 MB 59 1 Files
albyan
or download free
[free_download_btn]

Description

Bakit Islam?

Ang Kagandahan at Pakinabang ng Islam

Ang mga relihiyon ba ay pare-pareho lamang? Paano ko malalaman kung ano ang tama? Bakit ko pipiliin ang Islam?

Ang polyetong ito ay naghahangad na matalakay ang ilan sa mga kagandahan, benepisyo at natatanging mga katangian ng Islam kung ihahambing sa iba pang mga paniniwala at relihiyon.

Alamin ang mga pangunahing kaalaman.

1. Malapit na Ugnayan sa Tagapaglikha

Sa puso ng Islam ay ang pagbibigay halaga ng relasyon ng indibidwal sa kanyang Diyos, ang kanilang tagapaglikha. Ito ay naghihimok sa mananampalataya na magkaroon ng nagpapatuloy na kamalayan na ang Diyos ang susi sa kanyang habang panahong kaligayahan.

Ang Islam ay nagtuturo na ang Diyos ay ang pinanggagalingan ng kapayapaan. Sa pamamagitan ng pagtutuon ng ibayong pagpapahalaga sa relasyong ito at pagsunod sa gabay ng Diyos, ang mananampalataya ay makatatagpo ng kapanatagan at kapayapaan. Sa paghahanap ng kaligayahan sa iba pang paraan tulad ng mga pagnanasa at pagkakamit ng materyal na yaman ay hindi natin matatagpuan ang kaligayahan. Ito ay maaari lamang mapunan sa kamalayan ng tao sa Diyos.

Ang tunay na pagkakuntento ay matatagpuan sa pagkilala at pagsunod sa Diyos. ‘Tunay na sa pag-aalaala sa Diyos ay makatatagpo ang puso ng kapanatagan.’ Quran 13:28

Ang pangunahing dahilan ng malapit na relasyon na ito ay ang magkaroon ang Muslim ng direktang koneksiyon sa kanilang tagapaglikha nang walang tagapamagitan, tulad ng pananalangin tungo sa o sa ngalan ng sinumang liban pa sa Diyos.

2. Positibong Pananaw sa Buhay

Ang Islam ay nagbibigay sa tao ng malinaw na pananaw sa mga nangyayari sa kanilang buhay, mabuti man o masama, dahil ang mga ito ay pawang mga pagsubok ng Diyos.

Ang mga ito ay naghihimok sa pag-unawa sa mga kaganapan sa konteksto ng pangkalahatang layunin sa buhay ng tao, na kilalanin ang Diyos at sundin siya. Siya ay lumikha sa mga tao nang may talino at sariling pasya upang subukan kung sino ang susunod sa Kanyang gabay. Ito ang pinakamatinding pagsubok na bagaman wala tayong kontrol sa mga mangyayari ay may control tayo sa kung paano tayo tutugon sa mga ito. Ang Islam ay naghihimok sa tao na magtuon ng pansin sa kanilang pag-kontrol na sila ay magpapasalamat sa mga biyaya ni Allah at maging matiisin sa mga pagsubok. Pagtitiis at pasasalamat – ito ang sangkap ng masayang pamumuhay.

Ang Islam ay naghihimok sa mananampalataya na manatiling malayas sa labis na kaligayahan sa mundo na nagdudulot na malimot nila ang Diyos, gayundin ang matinding kalungkutan na mawawalan sila ng pag-asa at manisi sa Diyos. Sa pamamagitan ng hindi pagiging masyadong konektado sa mundo, ang Muslim ay nagkakaroon ng kakayanan na harapin ang mga kalamidad at nagiging mas kapaki-pakinabang at mapagbigay sa Lipunan. Ito ay nagdudulot ng balanse at positibong pananaw sa buhay.

3. Dalisay at Malinaw na konsepto ng Diyos

Hindi tulad ng iba pang relihiyon, ang Islam ay hindi ipinangalan sa nagtatag nito o lugar na pinanggalingan nito. Ang Islam ay isang pangalan na nagpapahiwatig ng pagsunod sa Diyos, ang Tagapaglikha ng sansinukob. Ang isa sa mga pangunahing kagandahan nito ay ang pagkilala nito sa pagiging perpekto, dakila at natatangi nang Diyos nang walang anumang kompromiso. Ito ay nababanaag sa Dalisay na turo ng islam tungkol sa mga katangian ng Diyos.

Ang Diyos ay Nag-iisa at Natatangi

*Ang Diyos ay walang katambal, kapantas o karibal

*Ang Diyos ay walang ama, ina, anak na lalaki o babae, o mga asawa.

*Ang Diyos lamang ang marapat na sambahin.

Ang Diyos ang Pinakamakapangyarihan

*Sa Diyos lamang ang lahat ng autoridad at kapangyarihan sa lahat ng bagay

*Ang pagsunod sa Diyos ay hindi nagdaragdag sa Kanyang kapangyarihan at ang pagsuway sa Kanya ay hindi nakababawas dito.

Ang Diyos ang kataas-taasan.

*Walang anumang nasa ibabaw o maihahambing sa Diyos

*Ang mga katangian ng Diyos ay hindi katulad ng anumang katangian ng tao

*Walang anumang bahagi ng Diyos ang nasa sinuman o anuman

Ang Diyos ay perpekto

*Ang Diyos ay walang anumang limitasyon na katulad ng nasa tao, tulad ng pagpapahinga sa ikapitong araw matapos Niyang likhain ang sansinukob

*Ang Diyos ay palagiang nagpapanatili ng Kanyang mga perpektong katangian at hindi Siya gagawa ng anuman na magdudulot na mabawasan ang Kanyang pagiging perpektong Diyos tulad ng pagiging tao tulad ng inaangkin sa iba pang mga relihiyon. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga gawaing hindi marapat sa Diyos. Kaya, kung ang Diyos ay magiging tao at magkakaroon ng katangian ng mga tao, siya ay hindi na Diyos.

4. Pagbibigay-diin sa Ebidensiya at Paniniwala

Ang Islam ay isang relihiyon na ang mga paniniwala rito ay nakasalalay sa mga batayan na malilinaw. Ito ay naghihimkok sa mga tao na gamitin ang kanilang mga talino na ibinigay sa kanila ng Diyos upang magmuni-muni sa kanilang buhay at sa sansinukob. Bagaman ang buhay na ito ay isang pagsubok, ang Diyos ay nagbigay ng sapat na mga tanda at gabay sa mga tao na bukas ang pag-iisip at dalisay ang pagnanais na kilalanin ang katotohanan.

Tunay na Kami ay nagpababa ng mga tanda at naglinaw sa mga bagay, ang Diyos ay naggagabay sa sinumang naisin Niya tungo sa matuwid na landas. Quran 24:46

Hindi tulad ng iba pang relihiyon, maraming mga patunay, tanda at himala na nagpapatunay na ang Quran ay mula sa Diyos.

Ang Quran:

Ito ay malaya sa mga pagkakamali at pagkakasalungatan sa kabila ng pagkakapahayag dito sa loob ng 23 taon.

Ito ay napangalagaan sa orihinal na wikang Arabic, sa bawat salita rito, mula nang ito ay ipinahayag at hindi tulad ng iba pang mga kasulatan na nagbago, pinalitan o nawala.

Ito ay naglalaman ng simple, dalisay at pandaigdigang mensahe na may matinding epekto sa sinumang dalisay ang pagnanais na hanapin ang katotohanan.

Ito ay naglalaman ng natatangi at hindi matularan na paraan ng paglalahad sa wikang Arabic na kinikilala bilang pinakamataas na anyo ng husay sa wikang ito, bagaman ito ay ipinahayag kay Propeta Muhammad na nakikilala na hindi marunong bumasa at sumulat.

Ito ay naglalaman ng maraming mga katotohanang siyentipiko na kamakailan lamang natuklasan sa kabila ng katotohanan na ito ay naipahayag noon pang 1400 taon na ang nakalilipas.

Ang pinakamatalinong paliwanag sa mga natatangi at mahimalang aspeto ng Quran ay dahil sa hindi ito nagmula sa Diyos lamang at hindi sa sinuman.

. Kapatawaran sa mga kasalanan

Ang Islam ay naghihimok ng balanse sa pagitan ng pag-asa sa habag ng Diyos at takot sa Kanyang parusa – na parehong kinakailangan upang ang tao ay mamuhay ng isang positibo at mapagpakumbabang buhay.

Tayo ay isinilang na walang mga kasalanan ngunit mayroong malayang desisyon na gumawa ng kasalanan. Ang Diyos ay lumikha sa atin at nakababatid na tayo ay hindi perpekto at nagkakasala ngunit ang susi rito ay kung ano ang gagawin natin tuwinang tayo ay nagkakasala.

Huwag mawalan ng pag-asa sa habag ng Diyos, Siya ay magpapatawad sa lahat ng inyong mga kasalanan. Quran 39:53

Ang Islam ay nagtuturo sa atin na ang Diyos ay pinakamaawain at magpapatawad at magpapaumanhin sa sinumang taus-pusong nagbabalik-loob. Ang maiinam na mga paraan ng pagbabalik-loob ay binubuo ng pagiging taus-puso, pagsisisi, hindi na pag-ulit sa kasalanan at paglayo sa kasalanan. Ang Islam ay naghihimok sa patuloy na Sistema ng pagpapaunlad at pagpapadalisay sa sarili. Ang prosesong ito ay direktang nangyayari sa pagitan ng Diyos at ng tao at hindi na kailanga pa ng tao na ikumpisal ang kanyang mga kasalanan sa pari o pastor. Karagdagan pa rito, hindi kailangan ng Diyos na isakripisyo ang Kanyang sarili upang mapatawad lamang ang mga tao sa kanilang mga kasalanan at hindi rin maaaring mangyari na ang sinumang ay isinilang na may kasalanan.

6. Pananagutan at Wagas na Katarungan

Ang Islam ay nagtuturo na ang Diyos ang pinakamakatarungan at ang bawat isa ay mananagot sa kanilang mga gawain sa Araw ng Paghuhukom. Ang bawat isa ay may pananagutan tulad ng kung paanong sila ay may kalayaan sa pagpapasya at talino upang makilala ang tama sa mali.

Ang katarungan ay nangangahulugan lamang na mayroong Araw ng Paghuhukom na ang lahat ay magagantimpalaan at maparurusahan nang sapat, dahil kung hindi, ang buhay ay magiging mapang-api dahil hindi lahat ay magkakamit ng katarungan sa mundo.

Ang Islam ay nagtuturo na tayo ay hahatulan sa kung paano natin tinupad ang ating mga pananagutan at malayang pagpapasya. Tayo ay hahatulan ng Diyos mismo, ang Maalam at ang Nakaaalam. Ito ay naghihimok sa atin tungo sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan na nagbibigay sa mga tao ng pagkakuntento sa kanilang kaalaman na ang katarungan ay tunay na iiral.

7. Praktikal at Balanseng Paraan ng Pamumuhay

Ang Islam ay nagbibigay ng tamang balanse sa pagitan ng pananampalataya at kilos dahil parehong kinakailangan ito para sa matiwasay na pamumuhay. Ito ay naggagabay sa atin sa lahat ng sitwasyon. Ito ay isang praktikal na relihiyon na may mga praktikal na mga gawaing pagsamba na nakadisenyo

Halimbawa ng mga praktikal na mga gawaing pagsamba na maraming pakinabang:

· Limang ulit na pagdarasal araw-araw – ito ay nagpapayaman sa kaluluwa sa pamamagitan ng pagtupad sa ispiritwal na pangangailangan ng regular na pakikipag-ugnayan sa Diyos lalo na sa buhay na abala. Ito ay nagdudulot na ang tao ay magpakumbaba sa pamamagitan ng pagyuko at pagpapatirapa sa Diyos; pag-aalis ng mga hadlang na dulot ng pagmamalaki at pagyayabang sa lahi o angkan sa pagitan ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal sa masjid; ito rin ay nakapipigil sa tao na magkasala sa pamamagitan ng pagdudulot na ang tao ay tumayo sa harap ng Diyos.

· Ang Obligadong kawanggawa – ito ay nagpapadalisay sa tao mula sa pagkamakasarili; nagdudulot na ang tao ay magmalasakit sa mahihirap; nagpapaalala sa mga biyaya ni Allah; nag-aalis sa kahirapan; at nagpapalapit sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.

· Pag-aayuno sa Ramadhan – ito ay nagsusulong ng ispiritwal na paglago at pagpapadalisay sa sarili; napagtibay sa siyensiya na may mga pakinabang sa kalusugan; naghihimok ng pagmamalasakit sa mga kapuspalad; nagsasanay sa mga tao na sumunod sa Diyos.

· Peregrinasyon – ito ay nagtitipon sa mga tao na mula sa ibat ibang kulay, lahi, o antas bilang mga peregrino na nagsusuot ng simple at pare-parehong kasuotan habang ginagawa ang ibat ibang mga gawain nang sama-sama.

Dahil ang Islam ay nagmula sa Diyos, ang bawat utos na matatagpuan sa relihiyong ito ay para sa kapakanan at pakinabang ng indibidwal at lipunan kung ang mga ito ay tamang matutupad. Ang mga halimbawa sa Quran na kabilang dito ang pagiging matapat, mapagpatawad, makatotohanan, mabuti sa pamilya, matiisin, makatarungan, katamtaman, disente, at taus-puso. Marami ring mga prinsipyo sa mga turo ng Islam ang pumipigil o bumabawas sa maraming mga sakit sa lipunan na hinaharap ng mundo ngayon.

8. Pandaigdigan at Panghabang-panahong Mensahe.

Ang Islam ay may mensahe na naaangkop sa lahat ng tao sa lahat ng panahon, mula sa pagkakalikha kay Adan hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ito ay mailalapat sa panahon.

Ang Diyos ay maaaring makaugnay ninuman. Ang mga tao ay maaaring kaluguran ng Diyos at magkamit ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng matutuwid na paniniwala at gawa at hindi sa pamamagitan ng lahi, yaman, kasarian, nasyonalidad o antas sa lipunan.

Pahimakas

Ang panghabang-panahon na kagandahan ng Islam ay tulad lamang ng mensahe ng mga propeta tulad nina Noah, Abraham, Moises, Jesus at Propeta Muhammad. Silang lahat ay nag-anyaya sa mga tao tungo sa pagtalima sa nag-iisang tunay na Diyos, at sa konseptong ito, ang gumagawa nito ay tinatawag na Muslim. Sa pagtalimang ito ay natutupad ang layunin sa pagkakalikha sa pamamagitan ng pagkilala sa kadakilaan ng Diyos at dalisay na pagsamba sa Kanya nang nag-iisa at walang katambal. Sa paggawa nito, ang sinuman ay magkakamit ng lahat ng pakinabang sa Islam na nabanggit.

Similar Downloads

No related download found!