Ang pagkapropeta sa Islam النبوة في الإسلام

3.68 MB 133 1 Files
albyan
or download free
[free_download_btn]

Description

Noah, Abraham, Moises, Jesus at Muhammad

Sumakanila nawa ang Kapayapaan

SI Allah, ang Tagapaglikha ng lahat ng nasa sansinukob at anumang naririto ay lumikha sa mga tao para sa dakilang layunin, upang sambahin Siya nang nag-iisa at walang katambal at ang mabuhay nang marangal ayon sa Kanyang mga turo at gabay. Ngunit ang layunin na ito ay hindi matutupad nang walang malinaw na gabay mula kay Allah.

Si Allah, ang pinakamaawain at makatarungan, ay hindi nag-iwan sa atin na mabuhay sa mundo nang walang kapararakan. Upang malaman natin ang layunin, si Allah ay nagtalaga ng ilang mga tao na magpapahayag at magpapakita ng Kanyang mensahe sa sangkatauhan. Ang mga indibidwal na ito ay nakikilala bilang mga propeta na nabibilang dito sina Adam, Noah, Abraham, Moises, Jesus at Muhammad – sumakanila nawa ang kapayapaan.

Ang mga Katangian ng mga Propeta

Ang mga propeta ay may mga katangian na nagdudulot na sila ay maging mga katangi-tanging tao.

Ang mga Propeta ay Nakatatanggap ng Kapahayagan.

Ang pinakamalaking pinagkaiba ng isang pangkaraniwang tao at propeta ay nakakatanggap ang propeta ng kapahayagan.

Ang mga propeta ay may marangal na ugali

Ang mga propeta ay hindi naghangad ng personal na pakinabang tulad ng yaman, katayuan, o kapangyarihan, bagkus sila ay naghahangad lamang ng kalugaran ng Diyos.

Ang mga propeta ang naging pinakamainam na halimbawa para sa kanilang mga nasyon sa ugali at pagiging matuwid. Sila ay namuhay sa pagsunod sa Diyos nang may matuwid na pagkatao at palaging makatotohanan sa pananalita at gawa. Sa kadahilanang ito, ang mga Muslim ay tumatanggi na ang mga propeta ay maaaring makagagawa ng malalaking pagkakasala, tulad ng nababanggit sa aklat ng ibang mga relihiyon.

Ang mga Propeta ay may mga himala.

Ang mga propeta ay nakakagawa ng mga himala na kadalasan ay sa larangan na kung saan ay mahusay ang mga tao sa kanilang panahon. Halimbawa, ang mga tao sa panahon ni Moises ay mahusay sa salamangka kaya si Moises ay may mga himala na hindi matapatan ng mga salamangkero. Ang mga tao noong panahon ni Jesus ay mahuhusay sa medisina kaya si Jesus ay nagpagaling ng mga sakit na hindi kayang pagalingin noong panahon niya. Ang mga tao sa panahon ni Propeta Muhammad ay mahuhusay sa literatura kaya ang Quran ay may mahusay na pagkakalahad na hindi matapatan ng sinumang makata. Karagdagan pa rito, ang marami sa mga propeta ay nagpahayag ng makatotohanang mga propesiya tungkol sa mga magaganap sa hinaharap. Ang mga himala na ito ay kanilang nagawa sa pahintulot at kapangyarihan ni Allah na nagpapatunay na sila ay mga tao lamang at hindi diyos.

Ang mga propeta ay hindi mga diyos

Habang ang mga propeta ay hinirang ni Allah, sila ay hindi mga diyos at hindi marapat na sambahin. Si Propeta Muhammad ay nagsabi,

‘Ako ay tao lamang na tulad ninyo. Ipinahayag sa akin na ang inyong Diyos ay ang Diyos.’ Quran 18:110

Malinaw din kahit sa Biblia, sa parehong lumang tipan at bagong ipan na ang mga prpeta ay hindi mga diyos at sila ay sumasamba lamang din at nagpapatirapa sa diyos.

*SI Jesus ay humayo at nagpatirapa at nanalangin. Mateo 26:39

*Sina Moises at Aaron ay nagpatirapa sa kanilang mga mukha. Mga Bilang 16:22

*Si Abram ay nagpatirapa sa kanyang mukha at kinausap siya ng Diyos. Genesis 17:3

Ang mga propeta ay may mga katangiang kinakailangan

Si Allah ay nagbigay sa mga propeta ng ilang mga katangian upang sila ay matagumpay na makatupad sa kanilang mga misyon, tulad ng pagtitiis, tapang, pamumuno, paninindigan at karunungan.

Ang ilan sa mga halimbawa ng mga ito.

*Ang paninindigan ni Noah sa pag-anyaya sa kanyang nasyon tulad kay Allah kahit pa kaunti lamang sa kanila ang tumugon.

*Ang tapang ni Abraham na mag-isang humarap sa kanyang nasyon laban sa kanilang huwad na paniniwala kahit napakabata pa niya.

*Ang pamumuno ni Moises sa pagtakas ng kanyang nasyon mula sa pinakamapang-aping tao sa kanyang panahon – si Paraon.

*Ang pagtitiis ni Jesus sa mga pahirap at panunupil sa kanya ng kanyang nasyon.

*Ang karunungan ni Propeta Muhammad sa pag-iisa sa magkakalaban na mga tribo ng Arabia na may mahabang kasaysayan ng digmaan.

Ang mensahe ng mga Propeta

Tunay na nagpadala kami sa bawat nasyon ng mga Sugo upang mangaral na walang sasambahin liban kay Allah at layuan ang mga diyus-diyosan. Quran 16:36

Dahil ang mga propeta ay ipinadala ng nag-iisang tunay na Diyos, lahat sila ay nagdala ng iisang mensahe lamang at nagkaroon ng iisang misyon – upang paalalahanan at turuan ang mga tao tungkol sa layunin ng buhay.

Ang kanilang mensahe ay:

*LInawin ang tunay na konsepto ng Diyos at ang pagtakwil sa mga huwad na paniniwala.

*Pagtuturo ng tunay na layunin ng buhay

*Magturo kung paanong sasambahin si Allah

*Ipabatid ang tunay na kahulugan ng pagiging matuwid at makasalanan ayon mismo kay Allah at ang payuhan ang mga tao tungkol dito.

Ilarawan ang gantimpala ng pagsunod kay Allah, ang Paraiso at babalaan sila tungkol sa parusa rito, ang Impiyerno.

Ipaliwanag ang madalas na hindi nauunawaan na mga usapin tungkol sa kaluluwa, mga anghel, engkanto, kabilang-buhay at tadhana.

‘Wala Kaming isinugong sugo liban na lamang sa wika ng kanilang nasyon upang malinaw nilang ipahayag ang mensahe sa kanila… Quran 14:4

Ang pangunahing trabaho ng mga propeta ay ang linawin ang konsepto ng Diyos na Siya nga ay walang katambal o kapantay, at ang lahat ng pagsamba ay para sa Kanya lamang. Sa Quran ay napakaraming mga halimbawa ng pagpapahayag ng mga propeta:

Sinabi ni Noah

O aking nasyon, sambahin ninyo si Allah, wala kayong diyos liban sa Kanya. Quran 7:59.

Sinabi ni Abraham

Kayo ba ay sumasamba sa iba pa liban kay Allah, mga bagay na hindi makapagdudulot sa inyo ng pakinabang o pinsala? Quran 21:66

Sinabi ni Moises

Ano? Ako ba ay maghahangad ng iba pang diyos liban pa kay Allah bagaman Siya ang naghirang sa inyo sa lahat ng bagay? Quran 7:140

Si Jesus ay nagsabi,

Tunay na si Allah ang aking Panginoon at inyong Panginoon, kaya sambahin ninyo Siya nang nag-iisa, ito ang matuwid na landas. Quran 3:51

Sinabi ni Propeta Muhammad

Ipinahayag sa akin na ang inyong Diyos ay nag-iisang Diyos. Upang ang sinumang naghahangad na makaharap ang kanyang Panginoon ay marapat na gumawa ng mabuti at huwag magtatambal ng anuman sa pagsamba sa kanyang Panginoon.

Ang mensahe na ito ay nananatiling ganito sa lahat ng mga henerasyon at nagbibigay diin sa kahalagahan ng tamang paniniwala sa Diyos.

Ang bawat nasyon ay nakatanggap ng Propeta

Sa bawat nasyon ay may propeta Quran 10:47

Ang mga Muslim ay naniniwala na ilang libong mga propeta ang ipinadala ni Allah sa ibat ibang panahon sa ibat ibang mga nasyon, bilang habag sa sangkatauhan at gabay. Sa ibang pagkakataon, ang mensahe ng mga propeta ay nawawala, nagbabago, nakakalimutan, pinababayaan o itinatanggi ng mga tao. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang isang bagong propeta ay ipapadala upang muling ipahayag ang mensahe ni Allah.

Ang mga Muslim ay naniniwala at gumagalang sa bawat propeta na ipinadala ng Diyos. Ang mga Muslim ay naniniwala rin sa mga banal na kasulatan na ipinahayag sa mga propeta, bagaman wala na sa orinhinal na anyo ang mga aklat na ito sa panahon natin ngayon, liban sa Quran.

Si Allah ang nagpahayag ng Aklat sa iyo O Muhammad dala ang katotohanan na nagpapatunay sa nauna rito. Siya ay nagpadala ng Torah at Ebanghelyo na nauna rito. Quran 3:3.

Bakit iilan lamang ang nakatatanggap ng direktang rebelasyon.

Si Allah ay lumikha ng buhay at nagbigay sa mga tao ng malayang pasya at talino upang masubok kung sino ang susunod sa Kanyang landas at kung sino ang susuway. Kung ang bawat isa ay makatatanggap ng direktang kapahayagan ang buhay ay hindi na magiging tunay na pagsubok sa pananampalataya. Ang tunay na pagsubok sa pananampalataya ay sa paggamit ng talino at pangangatwiran upang pagmuni-munihan at makilala ang mga tanda ng Diyos at hindi sa pagkausap ng Diyos sa sinumang hindi na mangangailangan ng anumang pagsusumikap at magdudulot na ang paniniwala ay mawawalang saysay.

Kahit pa ang mga propeta ay nakatatanggap ng mga kapahayagan, ito ay hindi nangangahulugan na hindi na sila sinusubukan. Ang pagiging propeta ay may kaakibat na mga pagsubok at mga paghihirap.

Ang Huling Propeta

Ang mga propeta ay ipinadala sa tukoy na grupo ng mga tao sa paglipas ng panahon ang kanilang dalang mensahe ay nawala na o binago ng mga tao. Ngunit si Propeta Muhammad ay hindi ipinadala para sa isang grupo lamang ng mga tao, bagkus ay para sa buong sangkatauhan, kaya ang kanyang mensahe ay pinangalagaan sa anyo ng Quran at Sunnah.

Dahil ang Quran at Sunnah ay parehong pinangangalagaan at batid ng mga tao, wala nang pangangailangan pa na magkaroon ng susunod na propeta.

Ang Quran ay salita ni Allah na malaya mula sa anumang pagbabago, pagkakamali o salungatan. Ito ay aklat na, ‘Gabay para sa sangkatauhan… at naghahati sa pagitan ng tama at mali.’ Quran 2:185

Ang Sunnah ay koleksiyon ng mga sawikain at gawain ni Propeta Muhammad na itinala ng kanyang mga kasama at kanilang mga mag-aaral. Ang katotohanan may libu-libong ganito na naitala at napagtibay ang pagiging tunay ay nagdudulot na maging madali para sa sinumang na sundin nang tama si Propeta Muhammad.

Ang mensahe ni Propeta Muhammad ay mas kumpletong pagsang-ayon sa turo ng naunang mga propeta at nagpapatibay sa kanilang mga mensahe.

Si Propeta Muhammad ang huling propeta para sa sangkatauhan mula sa kanyang panahon hanggang sa dulo ng panahon, at kasama na rito ang kasalukuyang panahon hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Siya ay isang perpektong halimbawa ng matapat, makatarungan, maawain, makatotohanan at matapang na tao. Siya, tulad ng iba pang mga propeta na nauna sa kanya ay walang anumang masamang katangian at pawang mga nagsikap sa landas ni Allah.

Pahimakas

Tunay na nasa Sugo ni Allah ang mahusay na huwaran para sa sinumang naghahangad kay Allah at sa Huling Araw at madalas na umaalala kay Allah. Quran 33:21.

Ang mga propeta ay ipinadala bilang habag ni Allah upang iparating ang Kanyang mensahe at ituro sa mga tao kung paanong mamumuhay ng matuwid na pamumuhay. Sila ay mayroong matutuwid na mga pagkatao na marapat na sundin.

Ang pagsunod sa Propeta ay pagsunod kay Allah at ang pagsuway sa Kanya ay pagsuway din kay Allah. Si Propeta Muhammad ang huli sa mga propeta kaya ang gabay ni Allah ay ganap na sa kanyang pagdating at ang kaligtasan ay makukumpleto sa pamamagitan ng pagsunod sa Diyos at sa Kanyang huling propeta.

Similar Downloads

No related download found!