Ang Karapatan ng Kababaihan sa Islam حقوق المرأة فى الإسلام

3.89 MB 126 1 Files
albyan
or download free
[free_download_btn]

Description

Ang Karapatan ng Kababaihan sa Islam

Iginagalang. Pinararangalan. Pinahahalagahan.

Alamin ang mga Pangunahing Kaalaman

Panimula

Ang Kababaihan sa Islam ay inaakala na inaalipin, hinahamak at inaapi - ngunit totoo ba ito? Ang milyun-milyong mga Muslim ba ay ganyang ka mapang-api o ito ba ay mga maling pag-unawa lamang na ipinakakalat ng may kinikilingang media?

Ang mga babae ay may karapatan ayon sa kung ano ang makatarungan. Para sa mga lalaki ang mas mataas na antas sa kanila dahil sa pananagutan ng mga lalaki sa kanila. Quran 2:28

Mahigit 1400 taon na ang nakalilipas, ang Islam ay nagbigay ng karapatan sa kababaihan na kamakailan lamang nai nakamit ng kababaihan sa kanluran. Noong 1930s, napuna ni Annie Besant, ‘Sa nakalipas na 20 taon lamang kinilala ng Inglatera ang karapatan ng babae na magkaroon ng pag-aari, habang ang Islam ay nagpahintulot nito sa lahat ng panahon. Isang paninirang-puri na sabihin na ang Islam ay nangangaral na ang kababaihan ay walang mga kaluluwa.’ (The Life and Teachings of Mohammed, 1932).

Ang kalalakihan at kababaihan ay parehong nilalang mula sa iisang tao lamang - si Propeta Adan - sumakanya nawa ang kapayapaan. Ang Islam ay hindi tumatanggap ng anumang para sa kanilang dalawa liban na lamang sa katarungan at mabuting pagtrato.

Pantay na Gantimpala at Pantay na Pananagutan

Ang kalalakihan at kababaihan ay sumasamba kay Allah sa parehong paraan, ibig sabihin, sila ay sumasamba sa parehong Diyos, kay Allah, at sila ay gumagawa ng parehong uri ng mga gawaing pagsamba, sumusunod sa parehong kasulatan, at humahawak sa parehong paniniwala. Ang pangalang Allah na isang salitang Arabic bilang pangalan ng nag-iisang tunay na Diyos ng lahat ng nilikha, ay maghahatol sa mga tao nang makatarungan at makatwiran. Si Allah ay nagbibigay diin na ang makatarungang trato at gantimpala ay makakamit ng parehong kalalakihan at kababaihan ayon sa Kanyang sinabi,

Pinangakuan ni Allah ang mga mananampalatayang lalaki at babae ng mga hardin na dumadaloy sa ilalim nito ang mga ilog at mananatili sila rito habang-panahon. Sa maiinam na tahanan sa harding panghabang-panahon. Quran 9:72

‘Hindi Ko pawawalang-saysay ang anumang gawain ng sinumang gumawa sa inyo, lalaki man o babae. Quran 3:195

Ang mga talatang ito ay nagpapakita na ang gantimpala ninuman ay nakasalalay sa kanyang kilos at hindi sa kanyang kasarian. Ang kasarian ay walang kinalaman sa kung paanong ang tao ay hahatulan o gagantimpalaan.

Kung ihahambing ang Islam sa iba pang mga relihiyon, makikita natin na ito ay makatarungan sa parehong kasarian. Halimbawa, ang ISlam ay nag-aalis sa ideya na si Eba ang dapat sisihin sa pagkain ni Adan mula sa ipinagbabawal na puno. Ayon sa Islam, nagkasala pareho sina Adan at Eba at sila ay nagbalik-loob kay Allah at sila nga ay pinatawad Niya.

Pantay na Karapatan sa Kaalaman

Ang kalalakihan at kababaihan ay parehong hinihimok na mag-aral. Si Propeta Muhammad - sumakanya nawa ang kapayapaan ay nagsabi, ‘Ang pag-aaral ay obligado para sa lahat ng Muslim.’

Dagdag pa rito, umiral ang ilang dakilang pantas ng Islam na kababaihan sa panahon ni Propeta Muhammad. Ang ilan sa kanila ay kabilang sa kanyang pamilya, mga kasamahan o kanilang mga anak. Pangunahin sa kanila ay si Aishah, asawa ni Propeta Muhammad na sa pamamagitan niya ay naipasa ang 1/4 ng kaalaman sa batas sa Islam.

Ang iba pang mga pantas na kababaihan ay naging guro ng kalalakihang mga pantas.

Pantay na karapatan sa pagpili ng mapapangasawa

Ang Islam ay nagparangal sa kababaihan sa pagbibigay sa kanila ng karapatan na pumili ng mapapangasawa at mapanatili nila ang kanilang orihinal na apelyido sa kanilang pag-aasawa. Dagdag pa rito, marami ang nag-aakala na ang mga magulang ay pumipilit sa kanilang mga anak na babae sa pag-aasawa. Ito ay isang tradisyon lamang ng ilang mga tao ay walang batayan sa Islam, bagkus ay ipinagbabawal.

Sa panahon ni Propeta Muhammad, may isang babae ang lumapit sa kanya at nagsabi, ‘Ang aking ama ay nagkasal sa akin sa aking pinsan upang tumaas ang kanyang antas sa lipunan at ako ay pinilit lamang dito.’ Ipinatawag ni Propeta Muhammad ang ama ng babae at sa kanyang harapan ay binigyan niya ang babae ng pagpipilian kung nais niyang manatili ang kasal o mawalan ito ng bisa. Sinabi niya, ‘O Sugo ni Allah, tanggap ko ang ginawa ng aking ama, ngunit nais ko lamang na ipakita sa iba pang kababaihan (na hindi sila maaaring pilitin sa pagpapakasal).’

Pantay ngunit Magkaiba

Habang ang kababaihan at kalalakihan ay mayroong pantay na karapatan bilang pangunahing prinsipyo, ang mga tukoy na mga karapatan at pananagutan na ibinibigay sa kanila ay magkaiba. Ang kalalakihan at kababaihan ay may mga karapatan at pananagutan na sumusuporta sa isat isa.

Liban pa sa mga panlabas at panloob na kaibahan sa pisikal na anyo, ang mga siyentipiko ay nakababatid ng iba pang maliliit ngunit mahahalagang pinagkaiba kung paanong ang utak ng kalalakihan at kababaihan ay pumu-proseso ng wika, impormasyon, emosyon at iba pa.

Ang isang socio-biological expert na si Edward O. Wilson ng Harvard University ay nagsabi na ang kababaihan, kung ihahambing sa kalalakihan ay mas madalas na may mas mataas na kalinangan sa wika, pagmamalasakit at iba pang kalinangan sa pakikipagkapwa-tao at iba pa. Ang kalalakihan naman ay mas madalas na may mas mataas na antas kaysa sa kababaihan sa malayang pagkilos, pangunguna, spatial and mathematical skills, pangingibabaw at iba pang mga katangian.

Isang kahangalan na tratuhin ang parehong kasarian ng parehong pagtrato nang hindi pinapansin ang kanilang pinagkaiba. Ang Islam ay nagtuturo na ang kalalakihan at kababaihan ay sumusuporta sa isat isa, ngunit sila ay magkaiba dahil sa mga gampanin nila na likas sa kanila. Sinabi ng Diyos:

‘Ang lalaki ay hindi katulad ng babae.’ Quran 3:36

67:14. Hindi ba Niya nalalaman ang nilikha Niya samantalang Siya ang Mabuti at ang Nakababatid?

Quran 67:14

Ang Pangunahin Yunit ng Lipunan

Ang Diyos ay lumikha sa kalalakihan at kababaihan na magkaiba, may magkaibang mga gampanin, kasanayan at pananagutan. Ang mga pinagkaibang ito ay hindi patunay ng kahigitan o kababaan, bagkus ay sa espesyalisasyon. Sa Islam, ang pamilya ay may ibayong kahalagahan. Ang lalaki ay responsible sa pinansiyal na kaayusan ng kanyang pamilya habang ang babae naman ay nag-aambag pisikal, pang-edukasyon at emosyonal na kaayusan ng pamilya. Ito ay naghihimok ng pagtutulungan at hindi kompetensiya. Sa pagtupad sa kanilang mga pananagutan, nabubuo ang matatag na mga pamilya na bubuo sa matatag na lipunan.

Gayundin, ang kalalakihan o kababaihan ay hindi makakapamuhay ng masayang emosyonal na pamumuhay nang wala ang isat isa. Inilarawan ito ni Allah sa Kanyang pagsasabi:

Sila ay damit para sa inyo at kayo ay damit para sa kanila. Quran :187

Ang damit na ito ay nagdudulot ng ginhawa, init, seguridad at nagdudulot na ang indibidwal ay maging mahusay sa kanyang hitsura - ganito nabubuo ang relasyon ng lalaki at ng kanyang asawa ayon sa Islam.

Pagmamahal at Habag sa Relasyong Pangmag-asawa

Si Propeta Muhammad ay naghimok sa kalalakihan na tratuhin ang kanilang mga asawa ng maayos na pagtrato, ‘Ang pinakamainam sa inyo ay ang pinakamainam sa kanilang mga asawa.’

Kabilang sa Kanyang mga tanda na lumikha Siya para sa inyo mula sa inyong mga sarili ng mga asawa upang mapanatag kayo sa kanila. Dinulot Niya na magkaroon sa pagitan ninyo ng pagmamahal at habag. Tunay na naririto ang mga tanda para sa mga taong nag-iisip. Quran 30:21

Si Aishah, asawa ni Propeta Muhammad ay minsang tinanong sa asal ni Propeta Muhammad sa kanyang tahanan. Sinabi niya, ‘Siya ay katulad lamang ninyo sa bahay, ngunit siya ay pinakamalumanay at pinakamapagbigay. Siya ay nakahandang tumulong sa kanyang mga asawa sa pangkaraniwang mga gawaing bahay. SIya ay nagtatahi ng kanyang sariling damit at nag-aayos ng kanyang sapatos.’ Sa pangkalahatan, siya ay tumutulong sa mga gawain ng kanyang mga asawa.

Mataas na Antas ng mga Ina at mga Anak na Babae

Ang ina ang mayroong pinakamatinding impluwensiya sa kanyang anak lalo na sa unang mga taon nito dahil sa kanyang pagmamahal at pag-aaruga. Walang duda na ang tagumpay ng mga lipunan ay nakasalalay sa mga ina. Kaya, marapat lamang sa Islam na magparangal sa kanila at itaas ang kanilang mga antas.

Sinabi ni Allah sa Quran

Itinalaga Namin sa tao para sa kanilang mga magulang ang kabutihan. Ipinagdalang-tao siya ng kanyang ina sa paghihirap at isinilang siya sa paghihirap. Quran 46:15

Si Propeta Muhammad ay tinanong, ‘O Sugo ni Allah, sino ang pinakakarapat-dapat sa aking mabuting pakikitungo?’ Sinabi niya, ‘Ang iyong ina.’ Tinanong ito ng lalaki ng dalawang ulit pa at ganito rin ang tugon ni Propeta Muhammad. At sa pang-apat na ulit na lamang niya sinabi, ‘Ang iyong ama.’

Ang gantimpala ay hindi lamang ibibigay sa mainam na trato sa mga ina bagkus ay nagtalaga rin ang Islam ng gantimpala sa pagpapalaki sa mga anak na babae na hindi ibinibigay sa pagpapalaki ng anak na lalaki.

Sinabi ni Propeta Muhammad, ‘Sinuman ang magpalaki sa dalawang anak na babae at siya ay mabuti sa kanila, maaaring ito ay dahilan ng pagpasok niya sa Paraiso.’

Pahimakas

Bago pa ang Islam, ang kababaihan ay itinuturing na kahiya-hiya. Ang mga batang anak na babae ay inililibing nang buhay, ang prostitusyon ay laganap, ang diborsyo ay nasa kamay lamang ng lalaki, ang pagpapamana ay para lamang sa malalakas at laganap ang pang-aapi. Ang Islam ay dumating at inalis ang mga gawaing ito. Kahit ngayon, sa tinatawag na mauunlad na bansa, ang kababaihan ay hindi binibigyan ng respeto, karangalan o paggalang, kaya paano pa sila magkakamit ng pantay na suweldo sa parehong trabaho. Ang Islam sa kabilang-dako, ay nagtuturing sa kababaihan na mahalaga at mamahalin na hindi maaaring bastusin o hiyain. Ang masamang trato sa mga kababaihan sa ilang mga bansa sa gitnang silangan ay dulot ng kanilang mga kultura na maling sinusunod ng ilang mga Muslim at hindi dahil sa Islam. Bakit pa magmu-Muslim ang maraming kababaihan sa buong mundo kung ito pala ay mapang-aping relihiyon?

Wawakasan natin ito sa pamamagitan ng salita ng ating Panginoon, ang Tagapaglikha at Tagapagtustos sa lahat ng kalalakihan at kababaihan:

Tunay na ang kalalakihan at kababaihang Muslim, mananampalataya, masunurin, makatotohanan, matiisin, mapagpakumbaba, nagkakawanggawa, nag-aayuno, nag-iingat sa maseselang bahagi ng katawan, ang kalalakihang umaalala kay Allah nang madalas at kababaihang umaalala. Inihanda ni Allah para sa kanila ang kapatawaran at gantimpalang malaki. Quran 33:3

Similar Downloads

No related download found!