Ang Islam ay hindi relihiyon ng Terorismo الإسلام والتطرف

3.76 MB 105 1 Files
albyan
or download free
[free_download_btn]

Description

Sinabi ni Allah

Sinumang pumatay ng inosenteng tao ay tulad ito ng pagpatay niya sa lahat ng tao. Sinumang magligtas ng isang buhay ay tulad ng pagliligtas niya sa lahat ng tao. Quran 5:32

Alamin ang mga Pangunahing impormasyon

Islam, relihiyon ng terorismo?

Teroristang Muslim, Muslim fundamentalists, Extremists, radical extremists, ilan lamang ito sa mga taguri na maling ibinabaling sa mga Muslim at ilang grupo ng mga Muslim.

Ang paglalarawan ng media sa Islam ay madalas na nagliligaw sa mga walang nalalaman sa relihiyon na ito tungo sa negatibong paghihinuha tungkol sa mapayapa at mapagparayang sistema ng pamumuhay na ito.

Sinabi ni Peter Manning, na isang mamamahayag sa kanyang aklat, Us vs Them,

Ang aking karanasan ay may malaking pinagkaiba sa pang-araw-araw na buhay ng mga Arabo at mga Muslim sa Australia at kung paano silang ipinapakita sa media.

Sa mahigit 60 percent ng balita ng 2 malalaking pahayagan, ang mga salitang ‘kamatayan’, ‘pagsalakay’, ‘pagpatay’, ‘suicide’ o ‘gunman’ ay pawang mga salitang may kinalaman sa mga salitan ‘arabo’, ‘Palestino’, ‘Muslim’ o ‘Islam’.

Kaya, hindi na nakapagtataka na ang mga tao ay magsasangkot sa Islam sa terorismo.

Ang problema sa kamangmangan ay nagiging hayag sa isang survey na nagpapakita na ang isa sa bawat tatlong Australiano ang umaamin na wala silang nalalaman tungkol sa Islam at mga tagasunod nito.

Ayon kay Dr. Dunn, ‘Yaong may pinakakaunting nalalaman at personal na ugnayan sa mga Muslim ang pinakamalamang na makaramdam na sila ay nanganganib dahil sa Islam. Ang Australia-Indonesia Institute ang namuno sa pag-aaral na ito.

Ang patunay sa pagiging bias ng media at ang kamangmangan tungkol sa Islam ay malalabanan sa pamamagitan ng pag-unawa sa Islam ayon sa mga tamang turo nito. Ito ay nangangahulungang pagsangguni sa Quran na pinaniniwalaan ng mga Muslim na salita ng Diyos at sa mga napagtibay na sawikain ni Propeta Muhammad. Sa pamamagitan lamang ng mga aral na ito ay matutuklasan ninuman na ang Islam ay wala nang kinalaman sa anumang uri ng terorismo.

Paanong ang Quran ay maling nauunawaan?

Habang binabasa ang Quran o mga sawikain ni Propeta Muhammad ay marapat na maunawaan ng nagbabasa ang konteksto ng mga salita nito.

Ang mga sumusunod ay ilan sa madalas na gamitin ng mga nais na manlinlang sa mga tao tungkol sa Islam:

Patayin ninyo sila saan man ninyo sila matagpuan at palayasin ninyo sila mula sa kung saan man nila kayo pinalayas bilang ganti sa mga panahon ng digmaan. Ang panggugulo ay mas masahol pa sa pagpatay. Huwag ninyo silang labanan sa Masjidul Haram hanggang sa labanan nila kayo roon. Kung sila man ay lalaban sa inyo ay patayin ninyo sila sa panahon ng digmaan. Yaon ang ganti sa mga hindi nanampalataya kapag nakasagupa ninyo sila sa digmaan. Quran 2:191

Sa maraming pagkakataon ay pinuputol nila ang talata na ito sa bahaging ito lamang:

Patayin ninyo sila saan man ninyo sila matagpuan. Quran 2:191

Ang malinaw na tanong dito ay, ‘sino ang papatayin?’ upang maunawaan ito nang lubusan ay marapat na basahin din ang naunang talata rito at ang sumunod dito.

Makibaka sa landas ni Allah laban doon sa mga kumakalaban sa inyo sa panahon ng digmaan subalit huwag kayong magmalabis. Tunay na si Allah ay hindi nagmamahal sa mga mapagmalabis. Quran 2:190

Ang talata na ito ay tungkol sa paglaban bilang pagtatanggol sa sarili at ang sumunod namang talata ay nagsasabi rin,

At kung sila ay titigil, tunay na si Allah ay Mapagpatawad at Mahabagin. Quran 2:192

Ang mga talata na ito ay ipinahayag sa panahon na ang mga Muslim ay pinalayas sa kanilang mga tahanan dahil lamang sa kanilang pananampalataya. Sila ay nagtiis ng 13 tao sa pang-aapi at kailangan nilang lumikas tungo sa lupalop na ligtas.

Ang mga talata na ito ay tumutukoy sa mga paganong Arabo sa Makkah sa panahon ni Propeta Muhammad na nang-aapi sa mga Muslim at nagpaplano na sumalakay sa kung saan sila sumilong. Kaya, ang talata na ito ay may kinalaman sa pagkakataon lamang na yaon at hindi pangkalahatang utos.

Ang halimbawa na ito ay nagpapakita na ang mga talata ng Quran ay maaaring maling mauunawaan palayo sa kanilang tamang konteksto dahil ang mga talatang ito ay ipinahayag nang dahan-dahan sa loob ng 23 taon. Mahalaga rin na maunawaan na ang Quran ay ipinahayag sa wikang Arabic, kaya, ang mga salin sa ibat ibang mga wika ay maaaring hindi tumpak o maling mauunawaan.

Pinahihintulutang pakikidigma o pakikibaka

Walang duda na ang mga Muslim tulad ng iba pa ay may lehitimong karapatan na lumaban laban sa pang-aapi o kawalang katarungan.

Ang Islam ay nagtuturo na ang pakikidigma ay pinahihintulutan upang panatilihin ang kaayusan ng pamayanan at pigilan ang pang-aapi – ito ay nasa konteksto ng pagtatanggol o pagsalakay depende sa sitwasyon. Sa Islam, tulad ng iba pang Sistema ng pamumuhay, ito ay naghahangad ng kaligtasan kaya ito ay may karapatan na ipagtanggol ang sarili nito kapag ang digmaan ay diniklara laban dito. Sinabi ni Allah sa Quran:

Pinahintulutan na ang pakikibaka para sa mga Muslim na nasa Madinah na mga nilalabanan ng mga hindi nanampalataya dahil sa sila ay inapi. Quran 22:39.

Ngunit kapag tumigil ang mga kalaban sa digmaan ay marapat na tumigil din ang mga Muslim.

Kung sila man ay babaling sa kapayapaan, ay bumaling kayo rito at manalig kay Allah, tunay na Siya ang Nakaririnig at Nakaaalam. Quran 8:61

Si Abu Bakr, ang pinakamalapit na kaibigan ni Propeta Muhammad at sumunod na pinuno ng mga Muslim pagkamatay niya ay nagsalita sa Islamikong paraan ng pakikiba sa pamamagitan ng mga sumusunod.

Sa labanan ay huwag ninyong gagawin:

*Magtraydor

*Maminsala ng bangkay

*Lumayo sa tamang landas

*Pumatay ng babae, bata o matanda

*Maminsala o manunog ng puno lalo na ang namumunga

*Pumatay ng pastuling hayop

*Maminsala sa mga abala sa pagsamba

Habang binabasa natin ang talata 2:90 ng Quran, si Allah ay nag-uutos na huwag tayong magmamalabis sa pagsasabing, ‘Huwag lampasan ang mga hangganan.’ Ang digmaan ay hindi nagbibigay ng pahintulot sa sinumang na lampasan ang mga hangganan. Ang Islam ay nagbabawal din sa walang kapararakang paghihiganti.

Huwag ninyong hayaan na ang pagkamuhi ninyo sa iba ay magdulot na kayo ay mang-api. Maging makatarungan, ito ay mas malapit sa kabanalan. Quran 5:8

Ang Islam ay nagtatakwil sa terorismo

Ang pagtatanim ng takot sa puso ng mga walang laban sa mga sibilyan, ang malawakang pagkawasak ng mga gusali at mga ari-arian, pambobomba at pagbaldado sa mga inosenteng kalalakihan, kababaihan at kabataan – ang lahat ng mga ito ay ipinagbabawal at kinamumuhian sa Islam. Lahat ng uri ng terorismo, kahit pa ang mga sinusuportahan ng mga kanluraning bansa na pumatay, naminsala at nagpalayas sa hindi mabilang na mga tao kaysa sa iba pang mga uri ng terorismo.

Kapag ang isang indibidwal na Muslim ay makagawa ng gawaing terorismo, ang tao na ito ay maysala ng paglabag sa mga batas ng mismong relihiyon na inaangkin nilang sinusunod nila. Makatwiran ba ang husgahan ang lahat ng mga Muslim dahil dito samantalang ang relihiyon na ito mismo ay nagbabawal sa mga ito? Ang mga Muslim ay sumusunod sa isang relihiyon ng pagtalima sa Diyos, kapayapaan, habag at pagpapatawad. Ang karamihan sa mga Muslim ay walang kinalaman sa mga karahasan na isinasangkot lalo na ng media sa mga Muslim. Ang Islam ay hindi relihiyon ng terorismo.

Hindi kayo pinagbabawalan ni Allah para roon sa mga hindi kumalaban sa inyo sa relihiyon at hindi kayo pinalalayas sa inyong mga tahanan na maging mabuti at makatarungan kayo sa kanila. Tunay na si Allah ay nagmamahal sa mga makatarungan. Quran 60:8

Similar Downloads

No related download found!