Description
Ang Pakinabang ng Islam
Praktikal at Balanseng Paraang ng pamumuhay
Malapit at Direktang Ugnayan sa Diyos
Dalisay at Malinaw ng Konsepto ng Diyos
Pandaigdigan at Panghabang-panahong mensahe
Alamin ang mga Pangunahing kaalaman
Ano ang Islam?
Ang Islam ay ang maniwala at sumamba sa nag-iisang tunay na Diyos, Si Allah, nang nag-iisa at walang katambal at ang tanggapi na si Muhammad ay ang Kanyang huling Sugo.
Tinatayang isa sa bawat 4 na tao ngayon sa mundo ay mga Muslim na binubuo ng humigit kumulang 1.5 bilyon na mga mananampalataya.
Ang mga tagasunod ng Islam ay nakikilala bilang mga Muslim at maaaring sila ay mula sa ibat ibang mga nasyon o angkan.
Pananampalataya at Asal
Ang Diyos ay tumatawag sa atin na Siya ay kilalanin sa pamamagitan ng Kanyang mga tanda. Dinulot ni Allah na tayo ay magkaroon ng pananagutan sa pagkilala sa Kanya. Ito ay bahagi ng pagsubok sa buhay. Kung wala ang tamang asal, ay walang anumang impormasyon ang magdudulot na ang tao ay maniwala.
Kawalan ng pagkiling, pagiging bukas ng isip at pagpapakumbaba
Pagpapakumbaba at pagiging taus-puso
Pagmumuni-muni sa layunin
Pagtanggap sa mga tanda ni Allah
Pagkiling sa hindi pananampalataya
Pagmamalaki at pagyayabang
Pagtutuon sa materyal na mundo lamang
Pagtakwil sa mga bagay bilang walang saysay
Unang dahilan
Ang simula ng sansinukob
Ang unang dahilan ng paniniwala sa Diyos ay may kinalaman sa pagmumuni-muni sa pinanggalingan ng sansinukob.
Paano nagsimulang umiral ang sansinukob?
Ito ba ay nagmula sa kawalan? Ang kawalan ay nanggagaling sa kawalan kaya malinaw na hindi ito maaari.
Nilikha ba nito ang sarili nito? Hindi, ito ay irasyonal. Ito ay tulad ng pagsasabi na ang ina ay nagsilang sa sarili nito.
Ito ba ay palagiang umiiral? Hindi, napagtibay sa makabagong siyensiya na ang sansinukob ay hindi umiiral habang panahon, bagkus ay may simula
Ito ba ay nilikha? Oo. Ang mga Muslim ay naniniwala na may lumikha rito na hindi bahagi nila, ang Panginoong Tagapaglikha.
Tanong: Sino ang lumikha sa Diyos?
Sagot: Ang Diyos ay hindi nilikha. Hindi tulad ng sansinukob na may tagapaglikha at iba pang mga nilikha, ang Diyos ay buhay habang panahon, Siya ay umiiral nang walang simula at wakas.
Ikalawang dahilan
Kaayusan sa Sansinukob
Isa pang simpleng dahilan ng paniniwala sa Diyso ay sa pagmumuni-muni sa kaayusan sa sansinukob sa pamamagitan ng sumusunod na lohika:
1. Anumang bagay na may kaayusan ay nagpapahiwatig na pinamamahalaan ito ng isang matalinong tagapamahala.
2. Ang ating solar system ay may kaayusan na binubuo ng mga komplikadong sistema, batas at proseso.
3. Ang kaayusan sa sansinukob ay nagpapahiwatig ng talino ng tagapaglikha.
Marami sa mga katangian ng sansinukob ang malinaw na tumutukoy na ito ay espesyal na nilikha upang sumuporta ng buhay. Kung ang mga sukat at timbang ng mga tao ay mababago ay maaaring hindi iiral ang buhay. Halimbawa:
Ozone layer
Kapal ng crust ng mundo
Percentage ng oxygen sa hangin
Distansiya mula sa araw
Ang laki ng araw, earth at buwan
Ang malaki at komplikadong sansinukob ay maaari bang lilitaw nang aksidente lamang, nang walang pamamahala? Marapat na mabigyang-diin na ang Islam ay naghihimok sa siyentipikong pananaliksik at pagmumun-muni. Ang papel ng siyensiya ay tumutulong sa atin na ilarawan ang marami sa mga prosesong ito na inilalagay ni Allah sa Kanyang mga nilikha. Marapat nating kilalanin ang lawak ng kapangyarihan at kaalaman Niya.
Ikatlong dahilan
Ang rebelasyon – ang Quran
Ang Quran ay nagbibigay ng matibay na argumento sa pag-iral ng Diyos at hindi mapapantayan sa istilo, kaalaman, gabay, pagiging matatas at pagiging natatangi ng paraan ng pangungusap nito sa nagbabasa nito.
Ito ay walang mga pagkakamali at salungatan
Dalisay at malinaw na paglalarawan sa Diyos
Pinakamataas na antas ng wikang Arabic
Ipinahayag kay Propeta Muhammad na hindi marunong bumasa o sumulat
Napanatili at hindi nagbago sa loob ng mahigit 1400 taon
May malalim na pananaw sa asal ng tao
Kabisado ng milyun-milyong mga Muslim
Naglalaman ng mga siyentipikong kaalaman na hindi batid ng mga tao noong panahon na yaon.
Sa daigdig ay naririto ang tanda para sa mga nanamapalataya, at gayundin sa inyong mga sarili, hindi ba ninyo nakikita? Quran 51:20-21
Sino ang Diyos?
Isa sa mga kagandahan ng Islam ay kinikilala nito ang pagiging perpekto, dakila at natatangi ng Diyos nang walang kompromiso.
Ang Diyos ay nag-iisa, natatangi at walang karibal, kapares o anak.
Ang Diyos ang natatanging marapat na sambahin nang direkta at nag-iisa at walang katambal.
Ang Diyos ay perpekto at walang kapintasan, wala siyang limitasyon o kahinaan.
Ang Diyos ay pinakamaawain – nalalaman Niya na hindi tayo perpekto at nagkakasala, ngunit ang susi ay ang palaging pag-amin na tayo nga ay nagkamali kaya marapat tayong humingi palagi ng tawad.
Walang bahagi ng Diyos ang nilalaman ng nilikha at walang sinuman ang kahati Niya sa Kanyang mga katangian at kapangyarihan.
Sa pagtatangka na maunawaan ang konsepto ng Diyos sa Islam, marapat na matalakay ang kalagayan ni Jesus dito, dahil sa maraming kalituhan at pag-aangking tungkol sa kanyang katauhan.
Ang Islam ay kumikilala kay Jesus bilang marangal na propeta at Sugo ng Diyos, ngunit ang mga Muslim ay hindi sumasamba sa kanya- ang pagsamba ay para lamang kay Allah nang nag-iisa at walang katambal na lumikha kay Jesus at sa lahat ng bagay. Dahil dito, ang paniniwala na si Jesus ay Diyos o anak ng Diyos o bahaging tatlong persona ay malinaw na taliwas sa mga dalisan na turo ng Islam tungkol sa Diyos.
Ang Biblia ay naglalaman ng maraming mga talata na kung saan ay nababanggit dito na siya at ang Diyos ay magkaiba. Halimbawa: si Jesus ay nagdarasal
Kung si Jesus ay ang Diyos, sino kaya ang kanyang dinadasalan?
Si Jesus ay isinilang, kumakain, natutulog at may limitadong kaalaman – lahat ng ito ay mga katangian na hindi marapat sa Diyos. Ang Diyos ay may mga katangian ng pagiging perpekto samantalang ang tao ay kabaligtaran nito.
Ang Diyos ba ay maaaring maging perpekto at hindi perpekto?
Ang katagang anak ng Diyos ay isang simbolismo na gamit sa naunang mga wika ng Biblia para sa isang matuwid na tao at ginamit ito sa iba pang mga tao at hindi lamang kay Jesus. Ang Diyos ay malayo sa pagkakaroon ng anumang pisikal o literal na anak.
Ano ang tunay na kahulugan ng ‘anak ng Diyos’?
Tanong: Kung kaya ng Diyos na gumawa ng kahit ano, bakit hindi niya kayang maging tao? O maging pisikal at literal na anak?
Sagot: Ang Diyos ay nagpapanatili ng mga katangian ng pagiging perpekto at hindi Siya gagawa ng anuman na sisira sa pagiging perpekto na ito. Ang Diyos ay hindi maaaring gagawa ng mga gawain na hindi marapat sa Diyos tulad ng pagkakaroon ng katangian ng tao na kung gagawin Niya ay hindi na Siya magiging Diyos.
Maraming mga propeta
PROPHET ADAM
PROPHET NOAH
PROPHET ABRAHAM
PROPHET MOSES
PROPHET JESUS
PROPHET MOHAMMAD
+ OTHER PROPHETS
Sumakanila nawa ang Kapayapaan
Ang kanilang misyon
Ipagbigay diin ang konsepto ng kaisahan ng Diyos
Pawalang saysay ang mga diyus diyosan at paniniwala sa kanila
Ituro kung paano sumamba sa Diyos
Maging mabuting huwaran
Ipaliwanag ang gantimpala ng pagsunod, ang Paraiso
Magbabala laban sa parusa sa pagsuway, ang Impiyerno
Ang Diyos ay nagpadala ng mga propeta sa bawat nasyon sa ibat ibang panahon na dala ang mahalagang mensahe. Bagaman ang mga Muslim ay nagmamahal at gumagalang sa lahat ng mga propeta, sila ay hindi sumasamba sa kanila o nag-uugnay sa kanila ng pagiging Diyos, ang lahat ng ito ay para lamang kay Allah.
Layunin ng Buhay
Ang Diyos, ang Maalam, ay hindi lumikha sa atin nang walang kapararakan o tuparin lamang ang ating mga pagnanasa. Bagkus, tayo ay mayroong layunin, ang kilalanin at sambahin ang Diyos nang nag-iisa at walang katambal upang tayo ay mamuhay sa gabay ng ating Tagapaglikha. Ang gabay na ito ay nagdudulot sa atin na mamuhay na kuntento at matagumpay sa lahat ng aspeto nito. Bahagi ng karunungan ng Diyos na nilikha Niya tayo at binigyan ng pagkakataon na makilala Siya at maranasan ang ating buhay at makagawa ng sariling pagpapasya sa buhay na ito.
Ang Islam ay isang kumpleto at praktikal na paraan ng pamumuhay na nagtuturo sa mga Muslim na maging balanse, disente at mag-ambag sa lipunan. Ang konsepto ng pagsamba sa Islam ay hindi lamang pagdarasal o pananalangin sa Diyos. Ang malawak na kahulugan nito ay napapaloob dito ang anumang kilos na kinalulugdan ng Diyos. Halimbawa:
Marangal na trabaho
Paglaban sa kawalang katarungan
Pangangalaga sa mga ulila
Pangangalaga sa kalikasan
Pagiging matiisin at mapagpakumbaba
Pagtulong sa pamayanan
Paggalang sa magulang
Paninindigan sa katotohanan
Pagiging mabuti sa kapitbahay
Takot sa Diyos
Pagtustos sa pamilya
Pagsasalita ng katotohanan
Ang mga gawaing pagsamba ay nangangailangan ng dalisay na layunin na gawin ito para sa kaluguran ni Allah at pagtupad nito ayon sa mga batas ng Islam
Ano ang sinasabi ng Islam tungkol sa:
Kababaihan: Ang kababaihan ay lubos na iginagalang sa Islam. Sila ay marapat na tratuhin nang may pagmamahal, paggalang at pagpaparangal. Sila ay mga katuwang ng kalalakihan at walang anumang pang-aapi ang mapahihintulutan laban sa kanila.
Terorismo: Ang Islam ay nagpapahintulot sa pakikibaka upang pangalagaan ang lipunan, labanan ang pang-aapi, at pangalagaan ang katarungan. Sa kabila nito, ipinagbabawal ang pagsalakay sa mga inosenteng sibilyan dahil ito ay kamuhi-muhi at ipinagbabawal.
Halal na pagkain: Ang halal na pagkain ay yaong pinahihintulutan sa mga Muslim na kainin. Ang hayop na pinahihintulutang kainin ay marapat na makatay sa paraang makatao at marapat na banggitin ang pangalan ni Allah dito.
Evolution: Ang Diyos lumikha sa kauna-unahang tao sa anyo nito at hindi ito nanggaling sa unggoy. Ito ay isang bagay na hindi maipapaliwanag ng siyensiya dahil ito ay isang ulit lamang nangyari – isang himala. Tungkol naman sa iba pang mga nilalang, si Allah ay lumilikha, gaano man Niya naisin kung ano ang kanilang mga anyo o kung paano ito magbabago.
Ang pananaw ng Muslim sa buhay
Ako ay mayroong dakilang layunin
Balanse sa pagitan ng paghahangad ng habag ni Allah at takot sa Kanyang parusa
Kapag may nangyaring mabuti at nagpapasalamat at kapag may nangyaring masama ay nagtitiis.
Nananalig kay Allah lamang dahil walang mangyayari liban sa Kanyang pahintulot.
Ang buhay na ito ay pagsubok lamang at nakikita ng Diyos ang lahat.
Lahat ng tangan ko ay mula kay Allah.
Tumutok lamang sa kung ano ang may kontrol ako rito at magsikap na gawin ang pinakamainam
Wagas na pag-asa at pagmamalasakit na ang mga hindi Muslim ay magabayan.
Ako ay magbabalik kay Allah at mananagot.
