Ang Panganib ng Riba o Utang na may Patubo خطر الربا

3.67 MB 72 1 Files
albyan
or download free
[free_download_btn]

Description

Ang Panganib ng Riba o Utang na may Patubo

O mga nanampalataya, huwag kayong kumain ng pautang na may patubo, doble man o mahigit pa. Katakutan ninyo si Allah upang kayo nawa ay magtagumpay. Quran 3:130

Alamin ang mga Pangunahing Kaalaman

Panimula

Kamangha-mangha na ang mga Muslim ay hindi kakain ng baboy dahil sa ito ay haram o ipinagbabawal at hindi rin niya aasawahin ang kanyang ina o kapatid dahil ito ay haram din ngunit nakakapagtaka na may mga Muslim na walang problema sa pautang na may patubo. Nalalaman mo ba na ito ay isang malaking kasalanan at maaaring magpasok sa iyo sa Impiyerno?

Yaong mga kumakain ng pautang na may patubo … sila ang mga mananahan sa Impiyerno at sila rito ay mananatili habang-panahon. Quran 2:275

Kung ang pagpapautang na may patubo ay ganito ang parusa bakit kaya minamaliit ito ng marami sa mga Muslim?

Ang Kahulugan ng Riba

Ang Riba ay hango sa salitang Arabic na nangangahulugang ‘pagdami’, ‘paglaki’ o ‘paglabis’. Napapaloob dito ang interest na pinapatong ng mga bangko o sa mga utang tulad ng car loan, home loan o utang sa credit card.

Mga patunay na ang riba ay Haram

Maraming mga patunay ang nagpapatibay na ang Riba ay ipinagbabawal at isa sa pinakamatinding mga kasalanan sa Islam.

Para sa mga tunay na nananampalataya kay Allah at sa Quran, ang talata na ito na nagbabawal sa Riba ay sapat na.

Si Allah ay nagpahintulot sa Negosyo ngunit nagbawal sa Riba. Quran 2:275

Sa Quran, si Allah ay hindi nagdeklara ng digmaan laban sa sinumang liban na lamang sa mga gumagawa ng Riba,

O mga nanampalataya, katakutan ninyo si Allah at iwan ninyo ang anumang naiwan sa pautang na may patubo kung kayo ay mga nanampalataya.Quran 2:278-279

Nais mo ba na si Allah, ang Makapangyarihan ay magdedeklara ng digmaan laban sa iyo matapos Niyang gawing napakalinaw na ito ay ipinagbabawal?

Si Propeta Muhammad ay nagbabala na ang pagkakaroon ng kinalaman sa Riba ay isa sa pinakamasahol na mga kasalanan na magbubulid sa tao sa Impiyerno ayon sa iniulat nina Imam Al Bukhari at Imam Muslim

Ang Riba ay Haram sa lahat ng aspeto nito ayon sa sinabi ni Propeta Muhammad sa iniulat ni Imam Muslim

‘Si Allah sumumpa sa kumakain ng Riba, nagbibigay nito, sumasaksi rito, at naglilista nito.’

Huwag mapabilang sa mga isinumpa ni Allah!

Bakit ipinagbabawal ang Riba?

Ang una at pangunahing dahilan na ang Riba ay ipinagbabawal ay dahil ito ay ipinagbawal ni Allah. Ito ay ayon sa wagas na kaalaman ni Allah na dinudulot Niya ang isang gawain na maging obligado o ipinagbabawal para sa kapakanan ng tao, sa mundong ito at sa Kabilang-buhay. Siya ay Pinakamaalam, ang Nakababatid. Ang mga pantas ng Islam ay tumukoy sa mga sumusunod na kadahilanan kung bakit ang Riba ay ipinagbabawal.

Ang maraming mga bansa, malalaki at maliliit ang nagkakaroon ng mga utang sa iba pang mga bansa na nagdudulot ng pahirap sa buong bansa dahil sa napakalaking interest. Ang utang ay nakamamatay. 11 kabataan ang namamatay taun-taon dahil sa paghihirap at utang ng kanilang mga bansa. Ang dating presidente ng Nigeria na si Obasanjo ay nagsabi,

‘Ang inutang lamang namin noong 198 o 1986 ay 5 bilyong dolyar lamang at ang binayaran namin ay 16 bilyong dolyar na ngunit kami ay sinasabihan na ang utang namin ay 28 bilyong dolyar pa rin. Ang 28 bilyong dolyar na utang na ito ay dulot ng kawalang katarungan ng dayuhang nagpapautang sa kanilang interest rates. Kung tatanungin mo ako kung ano ng pinakamasamang bagay sa mundo, ito ay ang compound interest.’ Jubilee 2000 News Update, August 2000.

Ang Riba ay taliwas sa diwa ng kapatiran at pagmamalasakit, bagkus ito ay nakasalalay sa kasakiman, pagkamakasarili at pagiging matigas ng puso.

Ang Riba ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ang Riba ay nagdudulot ng trauma at depression dahil sa dumaraming mga utang.

Ang Riba ay nagbibigay ng tiyak na kita sa nagpapautang nang walang panganib sa kanya. Bagkus ang panganib ay nasa umuutang lamang nang hindi pinaghahatian ng parehong panig ang pinsala at kita.

Ang Riba ay nagdudulot ng monopoly sa Lipunan na ang mayayaman ay nagagantimpalaan dahil sa pagiging mayamam habang ang mahihirap ay napipilitang magbayad ng labis.

Noong panahon ng global financial crisis noong 2008 at 2009, ang daily Vatican newspaper na, L’Osservatore Romano, ay nag-ulat na ang Vatican ay nagsabi na ang Islamic Finance System ay maaaring makatulong sa mga nanganganib na bangko sa mga bansang kanluranin. Ang Vatican ay nagpayo, ‘Ang prinsipyo na kung saan naka-pundasyon ang Islamic Finance ay maaaring magdulot na maging mas malapit ang mga bangko sa kanilang mga kliyente at tungo sa tunay na diwa ng bawat financial service.’

Tuwinang ang Riba-based na market ay nagkakaproblema, ang mga Islamic na Financial Institution ay hindi nagdurusa sa kanilang mga problema dahil ang panganib ay parehong pinapasan ng dalawang Partido. Ang mga nagpapautan ay magiging mas maingat dahil sila ay nanganganib din sa pagkalugi kapag hindi nabayaran ng nangutang ang orihinal na inutang.

Ayon sa mga problema na nabubuo dahil sa Riba ay hindi nga nakapagtataka na ang Islam ay magbabawal nito.

Paano ko maiiwasan ang Riba?

Ang pamumuhay sa isang kapitalistang Lipunan ay nagdudulot na maging mahirap ang pag-iwas sa Riba. Ngunit hindi rin ito palusot na tayo ay magpapakasasa rito. Ang malinaw na paraan upang lumayo rito ay ang hindi mangutang na magdudulot na ikaw ay magbayad nang may tubo. Ang iba pang mga solusyon ay ang mga sumusunod:

Pagbubukas ng bank account na walang interest

Huwag pumasok sa mga kasunduan o kontrata na may mga pagpapatubo kahit pa ikaw ay may intensiyon na magbayad sa tamang panahon.

Magbayad ng mga bayarin sa tamang petsa upang hindi magbayad ng interest.

Matupad ang lahat ng mga kundisyon na kailangan upang magpatuloy sa sa Negosyo nang walang Riba.

Panghihiram ng pera mula sa kamag-anak o kaibigan hanggat maaari.

Pagkuha sa serbisyo ng mga Islamically compliant banks.

Ang mangupahan kung hindi mo pa kayang bumili nang sariling bahay nang walang Riba.

Pagtanggap ng magandang pautang na ang layunin nito ay ang magpakita ng kabutihan sa kapwa nang hindi nangangailangan ng interests.

Tungkol naman sa mga tubo na ibinibigay sa iyo ng mga bangko, ay hindi ito dapat ibalik sa kanila o gamitin ito, bagkus ay maaari mo itong magamit sa kawanggawa sa pagbibigay nito sa mahihirap sa pamamagitan ng pagbili ng mga gamit na itinatapon lamang tulad ng mga toilet paper para sa mga Islamic Center, masjid at gayundin sa tulong sa mga may utang – ngunit hindi ka dapat umasa ssa gantimpala ng mga ito.

Ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang Riba ay ang matukoy muna kung ano ang mga transaksyon ng pinahihintulutan sa pamamagitan ng pagkonsulta sa maaalam at pakikinabang sa kanilang kaalaman.

Paano kung kailangan ko talaga?

Sa Islam, maaaring mapatawad ang sinumang Nakagawa ng isang ipinagbabawal dahil sa kagipitan. Kaya, kung ang isang tao ay mapipilitan ng umutang nang may patubo, upang mailigtas lamang ang sarili sa matinding pinsala o kamatayan, ito ay maaaring pansamantalang mapaumanhinan, hanggang sa ang kagipitan ay mawala na. Itanim mo lamang sa iyong isip na ang pagtitiis sa paghihirap dahil sa pag-iwas sa pag-utang nang may patubo alang-alang kay Allah ay may gantimpala. Ang isang taong maalam sa Islam at nakauunawa sa kanyang kalagayan ay ang siyang tutukoy kung ang tao ba ay nasa tunay na kagipitan. Liban pa rito, ang pagpapahintulot na ito ay hindi marapat na samantalahin at ang marami sa mga tao ay maaaring umuutang nang may patubo at magdurusa sa mga resulta nito mula kay Allah.

May isang palasak na maling pag-unawa sa mga Muslim na may kinalaman sa pagbili ng kanilang unang bahay sa pamamagitan ng Riba. Ang ilan ay nag-aangkin na ito ay pinahihintulutan bilang pangangailangan. Ngunit ang katotohanan dito ay madali lang para sa sinuman ang mangupahan sa halip na bumili ng bahay at ito ay nagpapapawalang-saysay sa inaangkin nilang ito. Kung totoo man ito, mangangahulugan din ba ito na pinahihintulutan na inuman ang unang bote ng alak kahit may tubig naman? O kaya ay pahihintulutan ba ang pagkain ng baboy kahit may mga Halal na iba pang puwedeng kainin? Bagaman madaling maloko ang iba sa mga katulad nito, marapat na alalahanin natin:

‘Nalalaman ni Allah ang lahat ng inyong mga ihinahayag at lahat ng inyong ikinukubli. Quran 5:99

Ang pagbabayad ng upa upang suportahan ang sarili at ang pamilya ay hindi sayang na pera, inshallah, dahil si Allah ay tunay na naggagantimpala nito bilang katulad ng kawanggawa. ‘Anumang itinutustos ninuman sa kanyang pamilya na naghahangad ng gantimpala ni Allah, ito ay maituturing na kawanggawa mula sa kanya.’ Iniulat nina Imam Al Bukhari at Imam Muslim.

Ang Tagumpay sa mundong ito at sa Kabilang-buhay

Kapag tinatalakay ang usapin ng Riba, marapat na alalahanin natin na ang tunay na tagumpay ay nasa tulong lamang ni Allah. Kung tayo ay tatalima sa kung ano ang pinahihintulutan at lalayo sa kung ano ang ipinaghahawal, ang ating kayamanan ay magiging mabiyaya at kapaki-pakinabang sa mundong ito at sa Kabilang buhay. Ano ang saysay ng sobrang yaman na nakamit sa pamamagitan ng Riba, kung wala naman itong biyaya, bagkus ay naglalaman ng sumpa at magiging sanhi pa ng pighati?

Sa araw ng Paghuhukom, ang mga tao ay hahayo mula sa kanilang mga libingan nang mabilis liban na lamang sa mga may kinalaman sa Riba. Siya ay tatayo na sila ay tila nanginginig dahil:

Yaong mga kumakain ng pautang na may patubo ay hindi tatayo sa Araw ng Paghuhukom liban na lamang na tulad ng isang pinapalo ni Satanas hanggang sa mabaliw. Ito ay dahil sa sila ay nagsasabing, ‘Ang negosyo ay katulad lamang ng pautang na may patubo.’ Quran 2:275

Yaong ang parusa sa sinumang may kinalaman sa Riba ay hindi taus-pusong nagbabalik-loob mula sa matinding kasalanan na ito.

Ngunit yaong mga naghahangad ng tagumpay sa pamamagitan ng pagkakamit ng kaluguran ni Allah, sila ay makatatagpo ng Ligaya sa talatang ito:

O mga nanampalataya, huwag kayong kumain ng pautang na may patubo, doble man o mahigit pa. Katakutan ninyo si Allah upang kayo nawa ay magtagumpay. Quran 3:130

Ipinapakita rin sa atin kung paano tayo magiging matagumpay sa Kabilang-buhay:

Ang salita lamang ng mga nanampalataya kapag sila ay tinawag tungo kay Allah at sa Kanyang Sugo upang maghatol sa pagitan nila ay, ‘Nakinig kami at sumunod.’ Sila ang mga matagumpay. Quran 24:51

Pahimakas

Walang sinuman ang maaaring magduda na ang Riba ay isang malaking kasalanan at ipinagbabawal. Walang anumang pagsuway kay Allah ang maaari nating ikatuwa kung ang kapalit naman nito ay ang parusa ni Allah. Marapat nating alalahanin na ang buhay dito sa mundo ay maikli lamang at panandalian at ang layunin ng pagkakalikha sa atin dito sa mundo ay hindi ang magnasa sa kagandahan at yaman nito, bagkus ay sa pagsamba kay Allah sa tamang paraan at sa pamumuhay ayon sa Kanyang mga isinabatas. Hindi dahil sa ang Riba ay laganap at palasak ay pinahihintulutan na ito.

Sinumang matakot kay Allah ay bibigyan Niya ng matatakasan. At bibiyayaan siya mula sa hindi niya inaasahan. Sinumang manalig kay Allah ay sapat na Siya sa kanya. Quran 65:2-3

Similar Downloads

No related download found!